Lola na namumuhay mag-isa at sira na ang tirahan, sinurpresa ng mga volunteers ng bagong bahay

Lola na namumuhay mag-isa at sira na ang tirahan, sinurpresa ng mga volunteers ng bagong bahay

- Ginawan ng bagong bahay ang isang lola na walang maayos na tirahan sa Taiwan

- Namumuhay na mag-isa ang lola dahil may kanya-kanya nang mga pamilya ang kanyang mga anak

- Bukod sa bahay, mayroon na ring koneksyon ng kuryente at tubig ang bagong tirahan ng matanda

- Emosyonal na nagpasalamat ang matanda sa mga tumulong sa kanya at napakalaking bagay na may maayos na siyang masisilungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa kwento ng isang lola na natulungan na magkaroon ng bagong bahay ng mga volunteers sa Taiwan.

Ayon sa Good Times, mag-isa nang namumuhay ang matanda sa Qijia village sa Chunri Township, Pingtung County, Taiwan.

Nalaman ng KAMI na sira-sira na ang munting tirahan doon ng matanda at sa hirap ng buhay, halos wala na rin siyang makain araw-araw.

Kwento ng lola, mayroon nang kanya-kanyang pamilya ang kanyang mga anak kaya naman mag-isa na lamang siya sa kanilang tahanan.

Lola na namumuhay mag-isa at sira na ang tirahan, sinurpresa ng mga volunteers ng bagong bahay
source: Buzzooks
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lola na namumuhay mag-isa at sira na ang tirahan, sinurpresa ng mga volunteers ng bagong bahay
source: Buzzooks
Source: Facebook

Nang malaman ito ng mga volunteers sa lugar, di sila nagdalawang isip na maglaan ng panahon upang mabigyan ng maayos na tirahan ang matanda.

Di lamang ito basta-basta bahay, siniguro nilang kongkreto ito at yari na matibay na materyales.

Bukod sa maayos na bahay, nilagyan na rin nila ng koneksyon sa kuryente ang matanda gayundin ang tubig.

Lola na namumuhay mag-isa at sira na ang tirahan, sinurpresa ng mga volunteers ng bagong bahay
source: Buzzooks
Source: Facebook

Emosyonal na nagpasalamat ang lola dahil hindi niya akalain na mabibiyayaan siya ng bahay na maayos niyang matitirhan.

Nais lang din ng mga volunteers na umuwi na ang mga anak ng lola nang sa gayon ay may makasama ito sa kanilang bagong bahay at masigurong nasa maayos na kalagayan ang matanda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica