Lalaki, nag-out sa unang pagkakataon sa Eat Bulaga; Bossing, naiyak

Lalaki, nag-out sa unang pagkakataon sa Eat Bulaga; Bossing, naiyak

- Talagang maraming puso ang napukaw sa huling episode ng "Bawal Judgemental" ng Eat Bulaga

- Tampok dito ang ilang miyembro ng LGBT community at ang ilan sa mga ito ay unang beses na nag-out sa mismong programa

- Isa sa nakapagpaiyak sa mga hosts, studio audiences at mga viewers ay ang kwento ni Jimar na isa sa nag-out sa kauna-unahang pagkakataon

- Present ang nanay nito na ikinagulat ang pag-amin ng anak at ang ama nito na matagal na nawalay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming puso ang naantig sa huling episode ng segment na "Bawal Judgemental" ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Tampok noong nakaraang Sabado ang mga miyembro ng LGBT Community.

Ang naimbitahang celebrity judge ay si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Sa unang katanungan palang ay talaga namang nakakaiyak na at nakakagulat na rin.

Sa tanong na sino sa mga naimbitahang guests ang hindi pa nakakapag-out sa kanilang pamilya, lahat windang agad.

Isa sa istoryang nakapag-paiyak sa lahat ay ang pag-amin ng isa sa mga ito na si Jimar.

Kasama ni Jimar ang kanyang ina na si Mila na ikinagulat talaga ang biglaang pag-amin ng anak.

Maging ang tatay ni Jimar na si Marcelo na matagal palang nawalay at hindi nito kinagisnan ay naroon din bilang sorpresa rito.

Bagama't nagulat ang mga ito, buong puso naman nilang tinanggap ang anak.

Luhaan din ang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros na emosyonal na simula pa lamang ng nasabing segment.

At kahit ang mga batikang hosts at komendyante na sina Bossing Vic Sotto at Joey De Leon ay hindi rin napigilang tumulo ang luha sa nakakaantig na kaganapan sa studio.

At para naman kay Jimar, kahit na napuno ng luha ang kanyang mga mata, paniguradong puno naman ng ligaya ang kanyang puso dahil sa paglaya niya sa kulungan ng takot at pagkalito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel