Larawan ng nakakakilabot na "mukha" sa sunog sa Australia, kalat sa socmed
- Hindi maipaliwanag ng magsasaka sa Australia na si Craig Calvert ang imaheng nakuhanan niya sa gitna ng usok na tumupok sa kanyang property
- Sa isang larawan na ibinahagi nito sa social media, isang imahe ng isang nakakatakot na tila mukha ang lumabas sa gitna ng napakalaking apoy at ulap ng mga usok
- Maging ang ilang netizens, tila nangilabot din sa larawang ito lalo pa nakakabahala na rin ang sunog sa nasabing bansa
- Ayon sa ilang ulat, umabot na sa 20 ang naitalang namatay habang maraming hayop na rin ang nasawi dahil sa trahedya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Nakakakilabot ang imaheng lumitaw sa gitna ng mga ulap ng usok at napakalaking apoy na ngayon ay usap-usapan na sa social media.
Ilang linggo na rin nang magsimula amg kalat-kalat na sunog sa bansang Australia na kumitil sa buhay ng maraming hayop doon.
Ngunit labis na ikinagulat ng marami nang ibahagi ng magsasakang si Craig Calvert ang isang larawan na kuha mula nasusunog nitong property.
Tila isang mukha diumano ang bigla na lamang nabuo sa gitna ng nagliliyab na apoy.
Sa isang ulat ng Express (Author, Carly Read), sinabi ni Calvert na: “I’m not really into hokey pokey spooky stuff but there’s a big devil face right in the fire.”
Kasabay nito ang panawagan ni Calvert kay Prime Minister Scott Morrison at sinabing: “step up and get behind us, don’t let any more people die”.
Samantala, maging ang ilang netizens any nangilabot din sa naturang larawan lalo pa at nakakabahala na ang sunog sa nasabing bansa.
Ayon pa sa ilang ulat, umabot na sa 20 ang namatay habang marami na rin ang nawalan ng tirahan dahil sa trahedya.
Sa Pilipinas, marami na rin ang nanawagan ng tulong at panalangin para sa Australia.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh