Maine Mendoza at Arjo Atayde, hindi nagpahuli sa "Tala" dance challenge

Maine Mendoza at Arjo Atayde, hindi nagpahuli sa "Tala" dance challenge

- Kumasa sa "Tala" dance challenge ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde

- Ibinahagi ni Maine Mendoza ang video nilang dalawa sa Twitter

- Pinagkaguluhan ng mga tagasuporta nila ang video at agad itong nag trending

- Umabot sa 405,000 views ang video sa loob lamang ng dalawang oras mula ng ito ay ibahagi ni Maine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpahuli ang real-life sweethearts na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa nauuso ngayong Tala dance challenge.

Ibinahagi ni Maine ang video nilang magkasintahan sa Twitter habang sinasayawan ang nakakaindak na awitin ni Sarah Geronimo.

"The things I do for you." - Arsho #popster" ani Maine sa caption ng ibinahaging video.

Pinagkaguluhan ito ng mga tagahanga nilang dalawa at dalawang oras pa lamang mula nang ibahagi ito sa Twitter ni Maine, trending na agad ito at umabot sa mahigit 405,000 views.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang nang isapubliko ng dalawa ang pagbati nila ng 1st anniversary sa isa't-isa.

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz. Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza. Naging sikat sa YouTube si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos. Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel