Pagkahulog ng ilang sakay sa isang nasirang ride sa perya, sapul sa video

Pagkahulog ng ilang sakay sa isang nasirang ride sa perya, sapul sa video

- Nakunan ng video ang pagkahulog ng isang ride sa perya

- Kitang-kita kung paano may nakalas na bahagi ng ride at nalaglag ang isang bahagi na may sakay

- Mapapansing nakahawak agad ang babaeng sakay habang inaalam pa kung may nasaktan sa nahulog na bahagi ng ride

- Mainam na rin na alerto ang operator ng fun ride na ito at agad na naihinto upang di pa makadisgrasya ng iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social ang post ng journaslist na si James Deakin kung saan binahagi niya ang viral video ng aksidenteng naganap sa isang ride sa perya.

May caption ang post na binahagi noong Disyembre 30 ng nakaraang taon na "Does anyone know if these guys are ok?"

Nasapul kasi ng video ang pagkalas ng isang bahagi ng fun ride at di nagtagal, nahulog ang isa sa mga sakay nito.

Nalaman ng KAMI na nakahawak naman agad sa safety rails ang babae ngunit naiwan pa rin ang mga kasabay niya sa ride.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mainam na lang din at alerto ang operator nito na agad na naihinto ng maayos ang ride.

Samantala, patuloy na inaalam pa kung nay nasaktan o nasugatan sa insidenteng ito.

Umani tuloy ng pambabatikos mula sa netizens ang pamunuan ng perya at ng lugar na nagpahintulot na mag-operate ito.

Magsilbing aral ito lalo na sa mga mahilig sumakay sa mga fun rides sa pera na maging mabusisi dahil di maiwasan ang mga aksidente sa ganoong uri ng lugar.

Narito ang kabuuan ng video:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel