OFW, inutusan ng kumare na mangutang para may pambili ng laptop sa inaanak

OFW, inutusan ng kumare na mangutang para may pambili ng laptop sa inaanak

- Viral ang isa na namang panghihingi ng pamasko ng isang ina mula sa ninang ng kanyang anak na isang OFW

- Humihirit ng laptop ang ina mula sa ninang ng anak bilang papasko nito

- Nang diniretso ng ninang na wala siyang ganoong kalaking halaga ng pera, sinabihan pa ng kumare na mangutang ito para lang mabigyan ang inaanak

- 500 pesos lamang daw ang kaya ng kumare ngunit tila minaliit pa ito ng ina ng bata at sinabing kulang na kulang ito pambili ng laptop

- Sa sama ng loob ng OFW, binahagi niya ang screenshot ng kanilang naging usapan para na rin magsilbing aral ito sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral nitong kapaskuhan ang post ng OFW na si Alma Suelen kung saan pinakita niya ang naging usapan nila sa messenger ng kanyang kumare.

Nalaman ng KAMI na humihirit ang kumare ni Alma ng laptop para raw sa inaanak nito.

Iyon daw kasi ang hiling ng bata para sa pasko at bilang nasa abroad naman daw ang ninang, inaasahan nilang kaya itong mabili ng ganoon na lamang.

Diniretso ng OFW ang ina ng bata na hindi niya kayang ibili ng laptop ang inaanak dahil wala siyang malaking pera para makabili ng hiling ng bata.

Katunayan, nangutang pa raw si Alma sa kapatid niya para lamang may ipamasko ang kanyang mga anak na nasa Pilipinas.

Laking gulat ng OFW nang sabihin ng ina ng bata na ipangutang na rin daw nito ang pambili ng laptop sa inaanak.

Kaya naman sinabi na lamang ni Alma na ₱500 ang kaya niyang ipadala sa inaanak bilang pamasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Imbis na magpasalamat, tila nangonsensya pa ang ina ng bata at sinabing di sasapat ang halaga na iyon upang makabili ng laptop.

Sinabi rin nitong nagtampo na raw ang bata at mas lalo pang ipinamukha sa OFW na laptop lamang ang hiling ng bata.

Dahil di na maganda ang itinakbo ng usapan, naisipan na ni Almang ibahagi ang screenshot ng usapan nilang ito sa messenger.

Ito ay di para siraan ang kumare kundi magsilbing aral na rin sa iba na huwag naman sanang obligahin ang mga ninang at ninong na magbigay sa mga inaanak lalo pa kung ito ay may kamahalan na.

Matutong magpasalamat sa kung ano ang nakayanang maibigay.

Nakalulungkot lamang din daw isipin na dumarami na ang nakararanas ng ganitong sitwasyon tulad na lamang ng mga naunang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel