Pati siya kumasa! Video ng Tala challenge ni Elsa ng "Frozen", viral

Pati siya kumasa! Video ng Tala challenge ni Elsa ng "Frozen", viral

- Agaw eksena sa social media ang video ni Elsa ng "Frozen" na sumasayaw din ng Tala

- Namangha ang netizens dahil kuhang-kuha nga nito ang sayaw

- Hinangaan din ang animator dahil sa husay ng pagkakagawa nito at talagang tama ang bawat dance steps ni Elsa

- Maging ang mga bata ay naaliw sa video dahil nakita nilang sumayaw ng Tala ang paborito nilang Disney Princess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa viral video kung saan maging ang karakter na si Elsa ng Disney movie na Frozen ay napasayaw ng "Tala".

Sa Facebook post ng netizen na si Felix Miguel Arranguez, makikita si Elsa na todo hataw sa pagsayaw ng dance craze ni Sarah Geronimo.

Bagaman at 2015 pa na-release ang sikat na kantang ito ng Pop Star Royalty, muli itong kinabaliwan dahil sa video ng mga beki na nag-viral at sinayaw ito sa volleyball court dahil sila ay pinagbabawalan umanong maglaro doon.

Kaya naman maging si Elsa ay di nakawala at napasayaw din ng Green Vlue na siyang animator ng video na ito.

Nasa 851,000 na ang views ng video na ito na bentang-benta rin sa mga bata dahil ang paborito nilang Disney Princess ay napa-indak ng paborito nilang sayaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Ang galing ng gumawa nito, hahaha! aliw"
"Pati anak ko napa-wow kasi sinasayaw niya ang Tala tapos si Elsa Favorite niya e napasayaw din ng Tala"
"Nakakatuwa naman to, kuhang-kuha ni Elsa"
"Ang cute, kakawala ng pagod panoorin kasi nakakaliw"
"Ibang level ang Tala ni Sarah G, pati si Elsa napahataw"

Si Elsa ang popular na karakter sa Disney movie na Frozen na nagkaroon ng part 2 noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel