Judy Ann Santos, sinagot ang isang basher na tumawag sa kanya nang "flapsina queen"

Judy Ann Santos, sinagot ang isang basher na tumawag sa kanya nang "flapsina queen"

- Sinagot ni Judy Ann Santos ang isang basher na nag komento tungkol sa pelikula niya sa MMFF 2019

- Tinawag pa siyang "flapsina queen" ng basher na mula sa salitang "flop"

- Isa ang pelikula ni Judy Ann na Mindanao sa pelikulang hindi ganoon kataas ang kita

- Gayunpaman, tumanggap ito ng awards sa Gabi ng Parangal kabilang na nga ang Best Actress na napanalunan ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatinag si Judy Ann Santos sa isang basher na nagkomento hinggil sa naging kalabasan ng kita ng kanyang pelikulang Mindanao sa Metro Manila Film Festival 2019.

Isa ang Mindanao sa mga pelikulang may pinakamababang kita. Gayunpaman, hindi ito nagpahuli sa mga awards. Sa katunayan, sa ginanap na Gabi ng Parangal, napanalunan ni Judy Ann ang Best Actress.

Nauna na ring ginawaran ng parangal si Juday sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula. Nagwagi ng Best Actress ang aktres sa 41st Cairo International Film Festival (CIFF).

Sa Instagram, ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang galak nang mapag-alamang nadagdagan ang sinehang nagpapalabas ng Mindanao. Inanyayahan niya rin ang netizens na humabol upang mapanood ang kanyang pelikula.

Gayunpaman, isang Instagram user ang nagsabing walang kwenta ang kanyang pelikula at wala daw kinita.

Tinawag din nitong "flapsina queen" ang aktres.

Hindi naman nagpaapekto si Juday at nagsabing mababaw lang kaligayahan niya kaya siya masaya.

Judy Ann Santos, sinagot ang isang basher na tumawag sa kanya nang "flapsina queen"

Judy Ann Santos, sinagot ang isang basher na tumawag sa kanya nang "flapsina queen"
Source: Instagram

Pinasalamatan pa ng aktres ang basher.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami sa mga netizens ang nagsabing wala sa lugar ang basher. Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Toxic si commenter. Pasalamat ka mabait si Juday.
Diyan mo talaga makikita na nasa maayos at mabuting lugar si Juday ng buhay nya at pag nasa ganun kang punto ng buhay mo magagawa mo nalang palagpasin yang mga nega na nilalang na yan.Yung commenter sobrang halata na ang laki ng hinagpis nya sa buhay nya
San kaya humuhugot ng tapang ng apog itong si Kuyang basher??? Wala ako makitang dahilan para bastusin si Juday ng walang pakundangan huh.
Who would even take someone who uses “flapsina” seriously? Haha, good job Juday.
Simula nang nauso yang “nagpapakatotoo lang,” naglabasan ang mga rude at walang modo sa socmed.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008.

Sa naunang ulat, inamin ni Judy Ann na muntik na silang maghiwalay ng asawang si Ryan Agoncillo dahil sa naging problema nila.

POPULAR: Read more about Judy Ann Santos here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel