Ricky Lo, isiniwalat ang tungkol sa paghihiwalay diumano nina James Reid and Nadine Lustre

Ricky Lo, isiniwalat ang tungkol sa paghihiwalay diumano nina James Reid and Nadine Lustre

- Kinumpirma ng entertainment writer na si Ricky Lo na hiwalay na nga sina James Reid at Nadine Lustre

- Ito ay kasunod ng paglabas ng balitang umalis na ang aktres sa bahay ni James Reid kung saan sila nanirahan ng halos dalawang taon na magkasama

- Nauna nang inalmahan ng mga tagasuporta ng tambalang JaDine ang lumabas na balita at tinawag pa itong fake news

- Matatandaang isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon noong February, 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng entertainment writer na si Ricky Lo ang balita sa diumano'y paghihiwalay ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre.

Ayon sa artikulong kanyang isinulat sa Philippine Star, hindi fake news ang lumabas na balita.

Kinumpirma niya na umalis na nga ang aktres sa bahay ni James sa Quezon City. Gayunpaman, inilabas ng ilang JaDine fans ang mga litratong nagpapakita na magkasama pa rin silang nagdiwang ng pasko at bagong taon. Ito diumano ang nagpapatunay na hindi totoo ang lumabas na balita.

"It was confirmed that Nadine packed up and left the Loyola Grand Villas (Quezon City) home of James that has served as their love nest for more than two years, and moved to a rented unit in a posh Makati condo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Lo, nagkikita pa rin sila James at Nadine kahit nagkahiwalay na sila.

"But even if they are now living apart, the un-couple is said to still see each other..."

Naging maugong din ang usap-usapan tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil sa mga posts ni Nadine sa Instagram na tila may kinalaman sa breakup.

Gayunpaman, ayon sa mga fans, maaring title o lyrics lamang ito ng mga awitin na ipo-produce ng recording company ni James.

Sumikat ang tambalang James Reid at Nadine Lustre na kilala din sa tawag na JaDine matapos nilang bumida sa Kapamilya TV series na On The Wings of Love.

Isinapubliko nila ang kanilang relasyon noong February, 2016. Unang nakilala si James nang kinilala siya bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Naging host namang ng youth-oriented show na Storyland sa RPN si Nadine sa edad na 12.

POPULAR: Read more about James Reid and Nadine Lustre here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel