Biyuda na nanay, nagpupulot ng basura para buhayin ang mga anak

Biyuda na nanay, nagpupulot ng basura para buhayin ang mga anak

- Isang biyuda na nanay ang nagsumikap upang buhayin ang kanyang mga anak

- Matapos pumanaw ang asawa ng ina ay naging full time na siya sa pangongolekta ng basura

- Labis naman ang tuwa ng nanay dahil nagbubunga ang kanyang mga paghihirap para sa pamilya niya

- Ang mga anak niya ay nagtatagumpay sa pag-aaral at matataas ang mga grado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang biyuda na nanay ang nagsumikap sa buhay upang masuportahan ang pangangailangan ng mga anak niya.

Nalaman ng KAMI na tila sa basura kumukuha ng pera si nanay Ranimah Dollah na taga-Malaysia.

Ayon sa ulat ng Sinar Harian, nahirapan si Nanay Ranimah na buhayin ang pamilya niya nang pumanaw ang kanyang asawa noong 2010.

Noong 2003 pa lang ay nagsisimula na magpulot ng basura si Nanay Ranimah para matulungan ang asawa niya sa gastusin noon. Subalit nang mawala ang asawa niya ay ginawa na niyang full time ito.

“At that time, I was desperate to buy milk as my children were hungry. I needed to wait for my husband to come home in the evening to give me money to buy milk but sometimes, he did not have enough,” giit niya.

“I started to collect scraps such as bottles, tin cans, and others around the neighbourhood. I managed to sell them for almost RM50 and used the money to buy milk and food for my kids at that time,” dagdag pa nito.

Biyuda na nanay, nagpupulot ng basura para buhayin ang mga anak

Photo from Sinar Harian
Source: Facebook

Kadalasan ay maglalakad siya ng 30 kilometro para mangolekta ng mga basura at ibenta ang mga ito sa junk shop.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaki naman ang pasasalamat ni Nanay Ranimah dahil nagbunga ang kanyang pagsasakripisyo sa buhay dahil nagtatagumpay ang mga anak niya sa pag-aaral.

Ang kanyang panganay na si Zainal Abidin Che Hassan ay 25 anyos at nag-aaral ng Mechatronics, ang kanyang pangalawang anak naman ay si Siti Zaitun na 18 anyos at honor student ito. Samantala, ang kanyang bunsong si Zainal Asyraf Che Hassan ay matataas din ang grado sa eskwelahan.

Aminado ang mga anak niya noon ay natutukso sila dahil sa trabaho ng nanay nila. Subalit, proud na proud pa rin sila rito dahil ginagawa niya ang lahat para mabuhay ang pamilya niya.

Biyuda na nanay, nagpupulot ng basura para buhayin ang mga anak

Photo from Sinar Harian
Source: Facebook

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel