Proud kuya: Anak, nagpaanak sa inang nurse sa mismong bahay nila

Proud kuya: Anak, nagpaanak sa inang nurse sa mismong bahay nila

- Di inaasahan ng kuya na siya ang magpapaanak sa ina sa kanila mismong bahay

- Nurse naman ang kanyang ina kaya ginagabayan siya nito sa pagpaanak

- Pangwalo na niya itong kapatid kaya naman alam na alam na ng kanyang nanay ang inaasahanang mangyari

- Laking pasalamat na rin ng kuya na nasa mabuting kalagayan ang kanyang nanay at kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan online ang kuya na si Bowen Suico dahil siya mismo ang nagpaanak sa kanyang ina.

Ayon sa ABS-CBN news, di akalain ni Bowen na kaya niya itong gawin at aminadong nagdadalawang isip siya noong umpisa.

Nalaman ng KAMI na nurse pala ang ina ni Bowen kaya naman nagagabayan siya nito sa kung ano ang mga dapat na gawin.

Pangwalo na itong anak kaya naman alam-alam na ng ina ang inaasahang mangyayari sa tuwing siya ay manganganak.

Laking pasalamat ni Bowen dahil parehong nasa mabuting kalagayan ang kanyang ina at kapatid.

Samantala, labis na humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ng kuya na tiyak na napakalaking kabawasan sa mga gastusin tuwing manganganak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pagpalain ka nawa sa pagiging responsable mong kuya at di mo pinabayaan ang iyong ina"
"Good job kuya, tiyak na magiging malapit sayo ang bunso mong kapatid"
"Pag-emergency na talaga, lalo na at alam mo naman ang gagawin, malaking bagay na manganak ka nalang sa bahay"
"Very good kuya pero dapat go pa rin sa ospital after"
"Memorable yan, tiyak na ikikwento yan ng kanyang kuya sa nakababatang kapatid"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel