College friend niya ito! Misis, nireklamo ang yaya ng anak na inagaw ang kanyang mister

College friend niya ito! Misis, nireklamo ang yaya ng anak na inagaw ang kanyang mister

- Masama ang loob ng misis na dumulog kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang dating yaya ng kanyang anak na di umano'y inagaw ang kanyang mister

- Kaibigan ng misis ang yaya mula pa noong sila ay nasa kolehiyo pa lamang at nais lang niya itong maging permanent resident sa Canada pa raw maging nurse kaya pangsamantala niyang pinag-alaga ito ng kanyang anak

- Sa umpisa'y di niya akalain na magagawa ito ng yaya sa kanya lalo na at kaibigan naman niya talaga ito

- Mismong ang mister niya ang nanlamig at nagawa pa siyang iwan at ang kanilang anak para sumama na sa yaya

- Di na makontak ang babae maging ang kanya mismong mga kamag-anak ngunit nangako ang programa ni Raffy Tulfo na makikipagtulungan sila na mahanap at makontak ang kinaroroonan ng yaya upang makinig na rin ang kanyang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Durog ang puso na pumunta sa programa ni Raffy Tulfo ang misis na nagpakilalang si Eloraine upang ireklamo ang naging yaya ng kanyang anak na di umano'y kumabit sa kanyang mister.

Maluha-luhang ikinuwento ng misis kung paano siya nagawang lokohin ng yaya ng anak na malapit pala niyang kaibigan.

College friends talaga sila ng yaya na si Maria Salvacion Masayon at pinapunta niya ito sa Canada upang matulungang maging nurse doon,

24 months ang kontrata ng yaya at pagkatapos noon ay hahayaan na niya itong makahanap ng trabaho bilang isang nurse.

Ngunit laking gulat niya na ang kaibigang kanyang pinagkakatiwalaan ang siyang maninira pa raw ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa una'y di pa lubos maisip ng misis na mayroon nang mga 'kababalaghang' ginagawa ang mister at yaya sa mismong pamamahay pa nila.

At nang makita nga niya ang cellphone ng mister, doon niya nakumpirma ang relasyon ng dalawa.

Sa ngayon, di na makontak si Mari Salvacion at deactivated na rin ang mga social media accounts nito.

Maging ang kapatid nito na si Mary Rose Masayon ay di rin alam kung saan ang kinaroroonan ng kapatid.

Nangako naman ang programa ni Raffy Tulfo na tutulong sila na mahanap at makapanayam ang yaya upang makinig na rin ang panig nito.

Nagpasalamat namang agad ang misis kay Raffy Tulfo na nangako ring gagawan ng aksyon ang ginawa na ito ng mister at yaya ng anak ni Eoraine sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel