Lalaking naniningin ng tirang pagkain, binigyan ng service crew ng isang box ng pizza

Lalaking naniningin ng tirang pagkain, binigyan ng service crew ng isang box ng pizza

- Isang lalaki ang gutom at lakas loob na humingi ng tirang pagkain sa isang pizza restaurant

- Imbis na tira ang ibigay ng service crew, isang buong kahon ng pizza ang binigay nito

- Nang di na kayang ubusin ng lalaki ang pagkain, inilagay niya ito sa kanyang bag para baunin at hinintay ang crew na mapadaan muli upang magpasalamat

- Nasaksihan ito ng isang dating GMA reporter at labis siyang namangha sa ginawang kabutihan ng service crew

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki ang lakas loob na humingi ng tirang pagkain sa isang pizza restaurant sa Quezon City. Imbis na tirang pagkain nga ang ibigay ng crew, bumalik ito na may dalang isang kahon ng pizza.

Ayon sa GMA news, mismong ang dati nilang reporter na si Lia Mañalac Del Castillo ang nakasaksi kung paano tinulungan ng service crew ang lalaking nagugutom.

Napansin umano ni Lia ang lalaki na umupo at uminom sa gamit nang baso ng naunang customer.

Nalaman ng KAMI na nang makita ng isang service crew ang lalaking papalabas at walang nakuhang tirang pagkain, pinigilan ito ng crew at sinabing bibigyan niya ito ng makakain.

Halos maluha sa ang lalaki nang bigyan siya ng isang box ng pizza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang di niya ito maubos, sinilid niya ang natira sa bag para baunin.

Napansin din ni Lia na hinintay pa muli ng lalaki ang crew na dumaan muli para magpasalamat.

Labis na namangha si Lia sa service crew sa maayos din nitong pagtrato sa lalaki.

Tinawag pa kasi ng crew ang lalaki na "sir" na animo'y customer na nagbayad ng kanyang pagkain.

Dahil sa pangunguna ng service crew na gumawa ng kabutihan sa lalaki, napansin ito ng isang grupo ng lalaki na kumakain sa pizza restaurant at binigyan pa nila ito ng pabaong pera.

Labis na nakaka-inspire ang nasaksihan na ito ni Lia na magandang panimula raw sa taong 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel