Agency ng pinatay na Pinay sa Kuwait, posibleng managot ayon kay Bello

Agency ng pinatay na Pinay sa Kuwait, posibleng managot ayon kay Bello

- Posibleng managot ang agency ng pinatay na Pinay sa Kuwait kapag napatunayang nagkulang ito

- Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dati na raw palang may report kaugnay sa kaso ni Jeanalyn Villavende

- Nakikipag-ugnayan naman daw ang agency sa pamilya ni Villavende at nag-abot na rin ng paunang tulong

- Ngunit masama pa rin daw ang loob ng mga kaanak ng Pinay DH dahil Nobyembre pa lamang ay nag-report na raw sila sa agency nang hindi na makausap si Villavende

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mananagot daw ang agency ng domestic helper na si Jeanalyn Villavende kung mapapatunayan na nagkulang ang mga ito para maproteksyunan ang napaslang na Pinay.

Sa isang ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng matanggalan ng lisensya ang 5 Star Recruitment and Manpower Corporation.

“I told them frankly that 'do not be surprised if I have your license suspended',” anito.

“We'll ask them to explain their failure to give sufficient protection to Jeanelyn. And if their explanation is not enough to satisfy the administrator of the POEA including the board and including me, then we will have to impose some administrative penalties,” dagdag pa nito.

Base kasi sa mga lumabas na ulat, nag-report na pala noon pang Nobyembre ang mga kaanak ni Villavende sa agency nito matapos itong hindi makontak.

Sa ulat ng Aksyon, Oktubre pa nang huling makausap ng pamilya ni Villavende ang dalaga. Ang sumunod na roon ay puro ang among babae na raw nito ang sumasagot sa kanilang mga tawag.

Pero noong nakakausap pa nila si Villavende ay wala naman daw itong sinasabi na minamaltrato siya ng mga amo bagamat may mga lumabas na ulat na palagi raw nitong kasama ang among babae sa tuwing kausap nito ang pamilya nito sa Pilipinas.

Samantala, nakikipag-ugnayan naman daw ang 5 Star Recruitment and Manpower Corporation at nagpa-abot na rin ng paunang tulong sa pamilya ni Villavende.

Ngunit masama pa rin daw ang loob ng mga ito dahil Nobyembre pa raw nang mag-report sila sa agency tungkol sa kanilang masamang kutob nang 'di na makausap si Villavende.

Dahil sa pangyayaring ito, nagdeklara ng "partial deployment ban" sa Kuwait ang Pinas para sa lahat ng household workers, kabilang na ang mga "balik-manggagawa", na naibalita na ng KAMI.

Sinabi ni Bello na mali-lift lamang ang ban na ito kapag naparusahan na ang mag-asawang amo ng pinatay na Pinay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI nang mabalita ang pagkamatay ng Pinay na si Villavende na pinaslang diumano ng asawa ng kanyang amo.

Ayon sa DOLE, lumalabas na basag umano ang ulo nito at "black and blue" na ito nang dalhin sa ospital, na naibalita na rin ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel