Partial deploymement ban sa Kuwait, ipinatupad na ng DOLE

Partial deploymement ban sa Kuwait, ipinatupad na ng DOLE

- Ipinatupad na ng DOLE ang partial deployment ban sa Kuwait kasunod nang brutal na pagkamatay ni Jeanelyn Villavende

- Ayon kay DOLE Secretary Bello, maaari lamang na ma-lift ang ban na ito kung mapaparusahan ang mag-asawang suspek sa pagpaslang kay Villavende

- Kasama sa ban na ito ang lahat ng household workers kabilang ang mga "balik-manggagawa"

- Iniimbestigahan na rin kung may pagkukulang ang agency ng Pinay sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinatupad na ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang "partial deployment ban" sa Kuwait.

Kasunod ito nang karumal-dumal na pagpatay sa Pinay domestic helper na si Jeanelyn Villavende, na una nang naibalita ng KAMI.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam dito ng CNN Philippines, maaaari lamang na ma-lift ang ban na ito kapag naparusahan na ang mag-asawang amo ni Villavende na suspek sa pagpaslang dito.

Sa isang ulat ng KAMI, lumalabas na basag umano ang ulo ng biktima at ayon din kay Bello ay may nakarating na impormasyon sa kanya na "black and blue" umano si Villavende nang dalhin sa ospital.

Samantala, ayon kay Bello, nakausap na raw nito si Kuwait Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh hinggil sa kaso ng Pinay.

“He (Kuwaiti Ambassador) asked me until Monday for the charge to be filed. I told the ambassador that the moment the charge is filed, then I can lift the partial deployment ban,” anito.

“If they charge the suspect—‘yung couple, then there is a reason for us to lift the partial deployment ban. But if they do not charge, then this may rise into a total deployment ban," dagdag pa ni Bello.

Kasama sa ban na ito ang lahat ng household workers kabilang na ang mga "balik-manggagawa".

Iniimbestigahan na rin kung may pagkukulang ang agency ni Villavende sa nangyari rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel