Mister na may sakit, nakita ng misis na may ibang gawain kasama ang 59-anyos na therapist

Mister na may sakit, nakita ng misis na may ibang gawain kasama ang 59-anyos na therapist

- Dumulog ang isang ginang sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa kanyang asawa na kinuha raw umano ng mga kapatid nito

- Nakaratay na ang kanyang mister na kinuhaan pa niya ng Physical therapist upang agarang gumaling

- Itinuturong dahilan ng mister ang laging pag-alis ng misis na pinabulaanan naman nito

- Nagkabukingan na ang dalawa sa kani-kanilang ginagawa na maging ang nakaratay na mister ay nakagagawa pa rin ng kababalaghan kasama umano ang 59-anyos niyang therapist

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong ang ginang na si Helen Ardiente sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa kinuha umano ang kanyang mister ng mga kapatid nito.

Kwento ni Helen, may sakit na ang kanyang mister at kinuhanan pa niya ito ng physical therapist at assistant nito upang matutukan ang agaran nitong paggaling.

Nalaman ng KAMI na kusang loob na nagpasundo ang mister ni Helen na si Ranilio dahil lagi umano wala ang kanyang misis.

Paliwanag naman ni Helen, unti-unti siya noong naglilipat siya noon mga gamit sa kanilang lilipatan na bahay.

Ngunit sa pagtatanong ni Tulfo, nalaman nitong nagagawa pala nitong mag-Bingo.

Doon na rin lumabas kung saan napunta ang sinasabing pera ng mister na nasa mahigit isang milyog piso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Depensa ni Helen, ginamit niya ito pambayad sa ospital ng mister, mga gamot at iba pang kagamitan nito sa bahay para maging komportable ito sa kanyang pagpapagaling.

Napaamin ni Tulfo na napautang pala ng misis ang nasa 250,000 pesos sa kinalulungan nitong Bingo.

Sa muling pagtatanong ng host, napag-alaman nito na isa sa ikinasasama ng loob ni Helen ay nang maaktuhan niyang naghahalikan ang kanyang mister at ang 59-anyos nitong physical therapist.

Di naman ito naitanggi ng mister at inaming sa labi nga siya nahahalikan ng therapist bilang pagbati at pampalakas daw niya sa araw-araw.

Natawa na lamang ang sikat na TV host na tila alam na ang kinahinatnan kung bakit talaga umalis ang lalaki sa poder ng kanyang misis.

Narito ang kabuuan ng video:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel