Simula January 1: Champ at Big Burger Steak ng Jollibee, tinanggal na sa menu

Simula January 1: Champ at Big Burger Steak ng Jollibee, tinanggal na sa menu

- Totoo ang bali-balitang wala na nga ang dalawag "big meals" ng Jollibee

- Isang store manager sa Laguna ang nagkumpirma ng balitang ito at sinabing maaring mapalitan naman ito ng bagong ipakikilang produkto gaya ng "fish sandwich"

- Di naman naniwala ang ilan sa mga suki ng kilalang fast food ng Pinas ngunit nang tingnan nga nila ang menu online, wala na nga sa pamimilian ang Burger Champ at Big Burger Steak

- Nalungkot naman ang ilang netizens na paborito ang mga pagkaing ito

- Ang ilan naman ay nagsabing halos pareho lang naman daw kasi ng Champ ang Deluxe Burgers gayungdin ang regular size na burger steak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng isang store manager mula sa Pacita, Laguna ang bali-balitang wala nang Burger Champ at Big Burger Steak sa menu ng Jollibee.

Ayon sa Coconuts Manila na nakapanayam ang store manager na si Lyn Fernandez, simula Enero 1 ay phase-out na ang nasabing mga "big burger" products.

Nalaman ng KAMI na Disymebre ng nakaraang taon nang makatanggap sila ng memo na uubusin na lamang nila ang mga stock ng Champ at Big Burger steak ngunit di na sila muling magre-restock nito.

Taong 1984 pa nang ilabas ang Champ ng paboritong fast food chain ng Pinoy. Kaya naman laking gulat ng karamihan nang bigla na itong nawala sa menu pagpatak ng 2020.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Lyn, maari naman daw kasing maglabas ng mga bagong produkto ang Jollibee tulad ng "fish sandwich."

Bagaman at nalungkot ang ilan sa pagkawala ng dalawang produkto, ang ilan naman ay nagsabing para na rin naman itong di nawala.

Halos pareho na rin kasi ng Champ ang mga Deluxe burgers ng Jollibee at mayroon pa rin namang regular size na Burger steak.

Subalit, marami pa rin ang nanghinayang lalo pa at 1/3 pound beef patty ito na sulit at swak sa budget ng mga Pinoy.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pormal na pahayag ang mismong pamunuan ng Jollibee ukol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica