Ama, humirit sa ninong ng anak ng pang-renta ng van para makuha ang napamaskuhan

Ama, humirit sa ninong ng anak ng pang-renta ng van para makuha ang napamaskuhan

- Nag-viral ang post ng isang ninong tungkol sa ibang klaseng paghingi ng pamasko ng kanyang kumpare

- Humirit pa kasi ang ama ng bata ng pamabayad nilang mag-anak sa van na aarkilahin upang makuha lang ang pamasko ng ninong sa bata

- Nang di agad mapagbigyan, nagawa pang i-block ng ama ang kanyang kumpare at gagawing friend muli sa Facebook kung naipadala na umano nito ang perang hinihingi bilang pamasko sa inaanak

- Maraming netizens ang tila napataas daw ang kilay nang mabasa ang viral post at kitang- kita namang mali ang ginawa ng ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Harry Engelo Anthony Paala patungkol sa ama ng kanyang inaanak na kumukuha ng pamasko sa kanya.

Sa kanyang post noong mismong araw ng pasko, pinakita ni Harry ang palitan nila ng mensahe ng kanyang kumpare.

Nalaman ng KAMI na talagang inalam ng kumpare kung magkano ang makukuha ng kanyang anak mula sa ninong nito na si Harry.

Sinagot naman ito ng ninong at sinabi na pareho pa ring halaga na ₱500.

Diretsahang humirit ang ama ng bata at hiniling na dagdagan ito dahil silang mag-anak na lamang ang pupunta para makuha agad ang pamasko.

Binalak pa nitong umarkila ng van para lang makuha ang inaasahang perang mapapamaskuhan.

Sinabi ni Harry na dahil maulan nang mga panahong iyon ay sa new year na lamang niya maibibigay ang pamasko niya sa bata.

Maari rin daw niya itong idaan sa kinaroroonan ng mag-anak gayung may raket siya roon matapos ang pasko.

Mapilit ang ama ng bata at sinabing i-Smart padala na lamang ang pera para makuha na nila ito agad.

Ngunit dahil maulan, di rin pumayag si Harry lalo pa at pasko at sarado ang karamihang tindahan.

Tila nangonsensya pa ang ama ng bata at sinabing wala na raw itong panggatas.

Muling pinaliwanag ni Harry na di niya mapadadala agad ang pera.

Dito na isinumbat ni kumpare ang pagiging ninong ni Harry at nag-takeout pa raw ito sa handaan noong binyagan.

At dahil di pa rin nakumbinsi ng kumpare na ipadala ni Harry ang pera, nagawa pa niya itong i-bock at gagawing friend muli kung nagawa na ni Harry ang kanyang kahilingan.

Samantala, napataas daw ang kilay ng mga netizens na nakabasa ng viral post.

Halatang-halata raw kasi ang pamemera ng ama ng bata na tila ginamit pa ang anak para lang makakuha ng pera sa ninong nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

"Grabe naman tong tatay na to, ano yang anak mo? negosyo?"
"Para sakin, mas maganda kung kusang bibigyan ang anak ko hindi yung nanghihingi o namamalimos ng pamasko, ayaw ko na pupunta lang sa ninong o ninang para manghingi"
"Grabe sinabi na walang panggatas, e bakit di siya makabili ng gatas ang anak e di naman dapat galing sa pinamaskuhan yun"
"Kapal ng mukha ng tatay na ito, hindi na nahiyam nanumbat pa"
"Iba ang level ng kakapalan ng mukha ng tatay, very bad, may pag-bock pa siyang nalalaman"
"Paalala lang pre, hindi negosyo ang anak. Ang mga ninong at ninang di yan pinipilit.magbibigay yan kung gusto nila ng kanilang kaya at bukal sa kanilang kalooban."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel