Partial deployment ng mga OFW sa Kuwait, ipatutupad; total ban, pinag-iisipan

Partial deployment ng mga OFW sa Kuwait, ipatutupad; total ban, pinag-iisipan

- Hindi na muna raw magpapadala ng mga OFW sa Kuwait ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III at magpapatupad ng "partial deployment" anumang oras ngayon

- Kasunod ito nang isa na namang kaso ng pagpatay sa isang nating kababayan doon na brutal na pinatay ng asawa ng kanyang amo

- Kinukunsidera na rin daw ng gobyerno ang "total ban" sa Kuwait matapos ang insidente na itinuturing na paglabag sa kasunduan nito at ng Pilipinas

- Matatandaang noong 2018, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang "deployment ban" sa Kuwait na nag-ugat dahil sa pagkamatay ng ating kababayang si Joanna Dimafelis

- Si Dimafelis ang Pinay DH na pinatay ng mag-asawang amo nito na nadiskubre ang bangkay sa isang freezer at kinakitaan ng "signs of torture"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na muna magpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam dito ng CNN Philippines ngayong Huwebes.

Kasunod ito ng pagpatay sa isa na namang Pinay domestic helper doon bago matapos ang taong 2019, na kinilalang si Jeanelyn Villavende.

Sabi pa ni Bello, maaaring magpatupad na ng "partial deployment" doon anumang oras ngayon. At pinag-iisipan na rin daw ng gobyerno ang "total ban".

"[This] means hindi na muna kami magdedeploy ng bago, we will only allow the deployment of yung mga balik manggagawa, yung returning at saka yung skilled workers," anito.

Sa isang ulat ng KAMI, lumalabas na basag umano ang ulo ni Villavende at ayon kay Bello ay "black and blue" na umano ito nang dalhin sa ospital.

Bukod dito, sinabi rin ni Bello na nauna na palang nakatanggap ng report ng pang-aabuso sa biktima.

Dahil dito, posibleng managot ang agency nito sa Pilipinas kapag napatunayang may kapabayaan ito.

"We could either put them under suspension or cancel their license if they could not explain why they did not take the appropriate action," ani Bello.

Matatandaang noong 2018, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "deployment ban" sa Kuwait na nag-ugat din sa brutal na pagkamatay ng kababayan nating si Joana Dimafelis.

Si Dimafelis ang Pinay na pinaslang ng kanyang mag-asawang amo at nadiskubre ang bangkay sa loob ng isang freezer at nakitaan ng "signs of torture" ang katawan.

Na-lift lamang ang ban nang pumirma sa isang kasunduan ang Kuwait at Pilipinas na magbibigay ng proteksyon sa mga Filipino na nagta-trabaho roon.

Ngunit ayon din kay Bello, marami pa rin ang hindi natutupad sa nasabing kasunduan katulad na lamang ng hinihingi ni Pangulong Digong na kontrata kung saan dapat nakasaad ang oras ng trabaho at karapatan ng mga OFW.

Samantala, ayon sa mga ulat, nakakulong na raw ang asawa ng amo ni Villavende.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel