Lalaki, inabandona ng pamilya at naging palaboy matapos maging OFW sa loob ng 21 taon

Lalaki, inabandona ng pamilya at naging palaboy matapos maging OFW sa loob ng 21 taon

- Nagkalat sa social media ang kwento ng isang overseas Filipino worker (OFW) na naging palaboy na lang

- 21 na taon naging OFW si Kuya Ramon at tila wala nang natira sa kanya nang siya ay bumalik ng Pilipinas

- Kinailangan na niyang umuwi ng Pinas dahil hindi na kaya ng katawan niya ang pagtatrabaho sa ibang bansa

- Samantala, naawa naman ang mga netizens sa kinahinatnan ni Kuya Ramon matapos niyang tumulong sa mga kapatid at pamangkin niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang lalaking na naging overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 21 na taon.

Nalaman ng KAMI na matapos ang pagpapakahirap sa abroad ni Kuya Ramon ay naging palaboy-laboy na lamang siya sa kalye, walang matulugan at makain araw-araw.

Ayon sa ulat ng Expatreaders, 21 taon nagtrabaho sa Saudi Arabia si Kuya Ramon at umuwi na lang ito ng Pinas dahil hindi na kaya ng katawan niya ang magtrabaho.

Ibinahagi ng netizen na si Aileen Mariquit Sombise ang kwento ni Kuya Ramon. Maganda umano ang trabaho ni Kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kita.

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin... Hindi habang malakas tayo at makakapagtrabaho,” sabi nito sa Facebook post.

Subalit, nakalimutan na niya ang kanyang sarili at panay ang padala para sa mga kapatid at pamangkin na kanyang pinag-aral. Wala rin umanong sariling pamilya si Kuya Ramon.

Ayon sa post, noong December 2018 ay bumalik na ng Pinas si Kuya Ramon at 61 anyos na siya noon.

Ngayong wala na siyang trabaho, pinabayaan na siya umano ng pamilya niya at nagpalaboy-laboy na lang sa Luneta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naawa naman ang mga netizens kay Kuya Ramon. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Kawawa..nman sana makita ng mga kapated at pamangkin Ang nag bigay sa kanila noon..Ang saya nla Na tumangap sa pinadala ne Kuya.tapos ngayon se Kuya Ang kawawa..”
“Kawawa naman ..sana maawa mga pamangkin niya”
“Kawawa naman,sana kahit isang pamangkin lang nia ang kumupkop sa kanya”
“Tama ng dahil sa kanila kinalimutan nya sarili nya”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel