Driver na nakabundol at nakapatay sa mga OFW sa Singapore, nakapagpiyansa

Driver na nakabundol at nakapatay sa mga OFW sa Singapore, nakapagpiyansa

- Pansamantalang nakalaya ang driver ng sasakyang nakabundol at nakapatay sa mga OFW sa Singapore ayon sa DFA

- Matatandaang dalawang Pinay ang nasawi at apat na iba pa ang sugatan nang araruhin ng kotse nito

- Pero tinitiyak ng DFA na dadaan sa legal na proseso ang 64-anyos na driver na isang Malaysian permanent resident

- Makakatanggap din daw ng ayuda ang pamilya ng mga biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pansamantala raw na nakalaya ang driver ng sasakyang nakabundol at nakapatay sa ilang OFW sa Singapore kamakailan, matapos itong makapagpiyansa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Una nang naibalita ng KAMI nang masawi ang dalawang Pinay at sugatan naman ang apat na iba pa matapos silang araruhin ng isang itim na sasakyan.

Sa social media naman, kumalat na rin ang ilang larawan at video ng kalunos-lunos na aksidente. Isang CCTV footage na rin ang lumabas na aktwal na nakuhanan ito.

Ayon sa ulat ng News5, tiniyak naman ng DFA na dadaan sa legal na proseso ang 64-anyos na driver kahit nakalaya ito.

Patuloy din daw na imomonitor ng embahada ang kasong ito ayon kay ASec. Eduardo Menez.

Makakatanggap din daw ng ayuda ang pamilya ng mga biktima.

Samantala, napag-alaman naman na dalawa sa mga biktima ay magkapatid mula sa La Union. Ang isa sa kanila ay nasawi habang ang isa naman ay nasa ospital pa rin ayon sa mga ulat.

Nakatakda naman dumating ang mga labi ng isa sa magkapatid na nasawi ngayong Huwebes.

Masakit man ay napilitan pa rin daw ang pamilya nito na salubungin ang bagong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa isa namang ulat ng KAMI, karumal-dumal ang sinapit ng isang Pinay DH sa Kuwait na pinatay ng amo nito noong Disyembre 30.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel