Pinay na pinatay kamakailan sa Kuwait, karumal-dumal ang sinapit sa amo

Pinay na pinatay kamakailan sa Kuwait, karumal-dumal ang sinapit sa amo

- Basag umano ang ulo ng Pinay na pinatay ng kanyang amo sa Kuwait kamakailan lamang

- Kinilala ang biktima na si Jeanelyn Villavende na nagtrabaho raw sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang pamilya

- Kinundena ng Malacañang ang nangyaring pagpaslang na naman sa isa nating kababayan sa Kuwait

- Matatandaang nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Kalunos-lunos ang sinapit ng kababayan nating domestic helper sa Kuwait na pinatay ng kanyang amo sa Kuwait noong Disyembre 30, na una nang naiulat ng .

Base sa ulat ng GMA News, hindi pa nagbibigay ng kompletong detalye sa pagkamatay ng OFW na si Jeanelyn Villavende ngunit lumalabas na basag diumano ang ulo nito.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, labag ito sa kasunduan ng Pilipinas at ng Kuwait noong 2018 na magbibigay ng proteksyon sa mga OFW doon.

Matatandaang noong nakaraang taon din ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ban sa pagpunta ng mga OFW sa Kuwait dahil sa patuloy na kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa ating mga kababayan doon, at na-lift lamang ito dahil sa nasabing kasunduan.

"The friendship between your country which gives our people the jobs they cannot find at home and our people whose faithful service make the life of your people easier depends on justice being done the murdered maid. An eye for an eye, a life for a life," ani Locsin sa isang tweet.

Ipinatawag na rin daw nito ang embahador ng Kuwait sa Pilipinas para iparating ang pagkadismaya sa nangyaring ito kay Villavende.

Kinondena rin ng Malacañang ang pagpatay dito na paglabag sa kasunduan noon.

"We consider Jeanelyn's tragic death a clear disregard of the agreement signed by both our country and Kuwait in 2018, which seeks to uphold and promote the protection of the rights and welfare of our workers in Kuwait,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ayon din sa ulat, nakakulong na ang mag-asawang amo ni Villavende na suspek sa karumal-dumal na pagpatay dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone