BF, 'di raw aprub sa nanay ni GF dahil walang sariling bahay at sasakyan

BF, 'di raw aprub sa nanay ni GF dahil walang sariling bahay at sasakyan

- Hindi natuwa si Raffy Tulfo sa nanay ng GF ng isa sa kanyang mga complainant

- Ayon kasi sa lalaki, hindi raw siya gusto ng nanay ng kanyang GF at sinabi pa raw noon na tigilan na ang anak dahil wala siyang bahay at lupa at pati na sasakyan

- Galit na galit naman ang ginang nang makausap ito sa programa ni idol Raffy at sinabing sinulot lang naman daw ng lalaki ang kanyang anak sa dati nitong nobyo

- Reklamo pa ng mga ito, bastos at wala umanong galang ang lalaki sa kanila na itinanggi naman ng complainant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi natuwa si Raffy Tulfo sa nanay ng nobya at inirereklamo ng isa sa kanyang mga complainant at tinawag pa itong matapobre.

Una nang idinulog ng sales associate na si Larry Sola Jr. ang problema niya sa pamilya ng kanyang nobyang si Claddette de Guzman.

Reklamo nito ang pagkawala ng karapatan sa kanyang bagong silang na anak na hindi raw apleyido niya ang ipinagamit.

Hindi raw kasi siya gusto ng nanay ng nobya na si Eva de Guzman at harap-harapan pa umanong sinabi sa kanya noon na tigilan na ang anak dahil wala raw siyang sariling bahay at sasakyan.

Ngunit itinanggi naman ni Eva na dahil dito kaya ayaw niya para sa anak ang lalaki kung 'di dahil bastos daw ito at walang galang sa kanila.

Hindi rin daw nito matanggap na nagdalang-tao ang anak kahit pa nga hindi kasal ang dalawa.

Giit pa ni Eva, sinulot lamang daw ni Larry ang anak sa dati nitong nobyo.

Itinanggi naman ni Larry ang sinabi ni Eva na binastos niya ang mga ito at sa halip ay sinabing siya pa nga raw ang ipinahiya nito sa ospital kung saan nanganak si Cladette.

Ayon pa kay Larry, nagpapasundo na nga raw sa kanya ang nobya dahil nais na nilang magsimula bilang isang pamilya ngunit pinipigilan lamang ito ng nanay nito.

Nakumpirma naman ito nang makausap ni idol Raffy si Cladette.

Dahil dito, kasama ang team ng programa ni idol at ng mga awtoridad ay susunduin na ni Larry ang kanyang mag-ina.

Nangako rin ng tulong si Tulfo kay Larry at sa pamilya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel