Kalunos-lunos! CCTV footage ng aksidente sa Lucky Plaza Singapore, lumabas

Kalunos-lunos! CCTV footage ng aksidente sa Lucky Plaza Singapore, lumabas

- Kumalat na sa social media ang kalunos-lunos na video ng aksidente sa Lucky Plaza sa Singapore

- Matatandaang ang aksidenteng ito ang kumitil sa buhay ng dalawa nating kababayang OFW doon

- Nag-iwan din ito ng apat na sugatan at dalawa sa mga ito ay lubhang nasaktan

- Labis naman ang pagdadalamhati ng buong Pilipinas sa sinapit ng mga biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos at nakakalungkot ang kuha ng CCTV sa aktwal na pagbunggo at pagdala ng isang itim na sasakyan sa ilang overseas Filipino workers (OFW) sa Singapore.

Kamakailan lang ay naibalita ang aksidenteng kumitil sa buhay ng dalawa nating kababayan at nag-iwan din ng apat na sugatan, dalawa pa nga sa mga ito ay naiulat na kritikal pa.

Sa mga kuha ng video, kita pa ang tila pag-ikot ng sasakyan at ang biglaang pagbundol nito sa grupo ng mga biktima.

Nakakapangilabot ang kuha nito dahil kitang-kita nang dalhin pa pababa ng sasakyan ang mga biktima.

Sa social media, kumalat na rin ang ilang larawan ng aksidente.

Labis namang nalungkot ang buong Pilipinas dahil sa nangyari at sinapit ng ilan nating kababayan na naroon lamang para maghanapbuhay para sa kanilang pamilya sa bansa.

Nagluluksa ang marami dahil sa pagpanaw ng ating mga kababayang itinuturing na bagong bayani ng ating bayan.

Una nang naiulat ng KAMI nang kumpirmahin ng DFA ang pagkamatay ng dalawa sa mga biktima.

Ayon sa ulat, nagpapahinga lamang sa isang gilid ng Lucky Plaza na kilalang puntahan ng mga OFW, nang bigla na lamang silang araruhin ng sasakyan.

Isang 64-anyos ang driver na agad naman daw inaresto ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang pag-alalay ng embahada sa mga biktima roon at nakikipag-ugnayan na rin sa mga awtoridad upang maiuwi ang mga labi ng dalawang nasawi.

Lubos na nakikiramay ang buong KAMI sa mga naulila ng mga biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel