Matapos ang New Year celebration: Mayor Isko, ibinida ang malinis na Maynila

Matapos ang New Year celebration: Mayor Isko, ibinida ang malinis na Maynila

- Natuwa si Mayor Isko Moreno ng Maynila nang makitang malinis ang Luneta Park at ilang bahagi ng Maynila

- Nagpasalamat ang alkalde sa Department of Public Services sa pagpapanatili ng kalinisan lalo na sa Luneta

- Wala ring makikita na tambak na basura sa bawat kanto ng Maynila

- Minsan nang nainis si Yorme Isko sa nadatnang basura sa Divisoria ilang araw matapos niyang pabalikin ang ilang sidewalk vendors sa lugar noong Nobyembre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ang larawan ng malinis na Luneta Park at ilang bahagi ng Maynila matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.

Binahagi ni Yorme Isko sa kanyang Facebook page ang larawan ng malinis na Maynila sa mismong unang araw ng 2020.

Nalaman ng KAMI na pinamunuan ng Department of Public Services ng Maynila ang pagpapanatili ng kalinisan ng lugar.

Taliwas sa inaasahang santambak ng basura na madalas makita sa kalsada kinaumagahan ng bagong taon, walang ni isang supot ng kalat ang makikita sa daan.

Bukod sa Luneta Park na mataong lugar noong Disyembre 31 dahil sa mga sasalubong ng bagong taon, pinakita rin ni Yorme ang larawan ng mga kalye Juan Luna, Ylaya, MB Santos, Tabora, Carmen Planas at Sto. Cristo na malinis at walang basura.

Matatandaang minsan nang nagpakita ng pagkadismaya ang alkalde nang makita niyang may tambak na naman ng basura sa Divisoria.

Nakita niya mismo ito nang siya ay mag-ikot sa nasabing lugar matapos niyang payagan muling magtinda ang mga sidewalk vendors doon upang may kitain para sa pasko.

Kaya naman laking pasalamat ni Yorme na napanatili ng Maynila ang kalinisan kahit pa nagkaroon ng malakihang selebrasyon sa kanilang lugar.

Umani naman ng papuri ang lungsod dahil sa pagpapakita nito ng magandang ehemplo sa ibang bahagi ng bansa.

Maganda rin daw itong simula sa pagpasok ng bagong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Iba ka talaga mamuno Yor-me! Lalo na ngayon, taon mo...Etneb-etneb (2020)! Manigong Bagong Taon sa iyo at sa iyong buong pamilya!"
"Dec 29 2019 namimili ako sa divi ka. Banda sa palibot ng DM. Ngwawalis ng kalat ang mga vendors jan.. Sabay sabi.. "ayusin nyo basura nyo para di tayo mapahamak pareho tayung mawawalan ng hanapbuhay dito". So tlgang kangan lng ng disiplina.. Kayang kaya natin yan..."
"Tayong mga Filipino ay likas na masunurin, kailangan lang ay may taong matiagang magpapasunod, hanggang matuto at masanay na gawin ang nararapat. Yorme kayo po taong matiagang nagpasunod sa mga tao sa Maynila. Mabuhay po kayo! Tuloy tuloy na toits. Sana all!"
"Nakakatuwa naman. Nagkaka-disiplina na ang mga tao sa magaling na pamumuno ni Mayor Isko Domagoso! Nakakabilib kayong lahat!!"
"Kudos yorme....kakagaling ko lang ngyon and hndi sya fake news"
"Disiplina lang talaga yorme at strong implementation ng rules susunod ang Pinoy. Salamat Mayor..."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel