Lalaking galing umano sa party, muntik nang madukutan sa tindi ng pagkalasing

Lalaking galing umano sa party, muntik nang madukutan sa tindi ng pagkalasing

- Sapul sa CCTV ng barangay San Antonio, Pasig kung paano muntik nang madukutan ang isang lalaki sa kanilang lugar

- Napansin na umano ng mga nasa command center ng naturang barangay ang lalaki dahil sa mga kakaiba nitong ginagawa

- Nang makita nilang may isa pang lalaki na papalapit sa hinihinala nilang lasing, doon na umalma ang barangay

- Kinapkapan na kasi ng dumating na lalaki ang bag ng lasing at tila kumukuha na ng tiyempo upang makapandukot

- Tinangka pang tumakas ng lalaki ngunit nakasalubong pa rin ito ng iba pang nagtatanod sa barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang-kita sa CCTV kung paano muntik nang madukutan ang isang lalaki na hinihinalang lasing sa kanto ng Shaw at Meralco Avenue sa Pasig City.

Ayon sa GMA News, natutukan ng CCTV ng Barangay San Antonio, Pasig ang kahinahinalang kilos ng lalaki.

Nalaman ng KAMI na sa tindi ng kalasingan, di pa nito namalayang naka-ihi na siya sa isang poste ng overpass.

Di nagtagal, napaupo ang lalaki at nakatulog dala nga ng matinding kalasingan.

Maya maya pa'y dumating ang isang lalaki at nagsimulang kapain ang dalang bag ng hinihinalang lasing.

Dahil sa nakatutok sa CCTV ang command center ng barangay, agad na itong nagpapunta ng tao upang matulungan ang lalaki sa posibleng kapahamakan.

Agad na nakarating ang mga taga command center kaya di na nagawa pa ng dumating na lalaki ang masama nitong balak sa lasing.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumunod na dumating ang mga kasama ng hinihinalang lasing at doon nila nakumpirma na nakarami nga ito ng inom sa kanilang Christmas party.

Habang kinakausap ng mga tanod ang kasama ng lasing, tinangkang tumakas ng hinihinalang mandurukot.

Nakasalubong naman niya ang iba pang tanod sa isa pang kanto sa barangay kaya naman agad itong nahuli.

Napag-alamang may record na pala ng snatching ang lalaki sa kanilang lugar.

Umani naman ng papuri ang mga tauhan ng nasabing barangay dahil sa agarang aksyon at naiwasan pa ang posibleng krimen.

Magsilbing babala ito sa publiko na hangga't maari ay huwag mag-isa pauwi lalo na kung nakarami ng inom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel