Mag-aamang naglakad mula Batangas hanggang Quezon, natulungan nang makauwi

Mag-aamang naglakad mula Batangas hanggang Quezon, natulungan nang makauwi

- Natulungan ng mga taga-barangay hall ng Barangay San Nicolas, San Narciso Quezon ang mag-aamang naglakad mula pa sa Batangas

- Awang-awa ang mga taga-barangay sa mag-aama dahil kitang-kita raw sa mga mukha nito ang labis na pagod

- Nawalan ng trabaho ang tatay dahil nagkasakit ito at ang masaklap pa, iniwan pa sila ng kanyang misis

- Napilitang maglakad ang mag-aama dahil wala na umano silang pamasahe

- Dahil sa napatunayan ng mga taga-Barangay San Nicolas na nagsasabi naman ng totoo ang mag-aama, tinulungan na nila ito na makauwi sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sinapit ng mag-aamang naglakad mula Batangas hanggang sa makarating sila sa Barangay San Nicolas sa San Narciso Quezon.

Binahagi ng netizen na si Breezy Ibarra ang kalunos-lunos na sinapit ng ama na nakilalang si Crisanto Amican, 57-anyos kasama ang kanyang dalawang anak na may edad walo at dalawang taong gulang.

Kwento ni Tatay Crisanto, dati siyang nagtatrabaho sa Talisay, Batangas. Sa kasamaang palad, nawalan siya ng hanapbuhay dahil nagkaroon siya ng sakit.

Ang masaklap, iniwan pa sila ng kanyang misis kaya nagdesisyon na lamang si Tatay Crisanto na umuwi na lamang sila sa Quezon.

Mula Talisay, nakapagbiyahe pa sila patungo ng Santo Tomas, Batangas at mula roon nagsimula na silang maglakad mag-aama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang akay ang isang anak at bitbit naman ang isa natiyaga ng mga ito na maglakad hanggang sa makarating sila sa Barangay San Nicolas sa San Narciso, Quezon.

Doon na sila humingi ng tulong at di naman nagdalawang isip ang barangay na pagmalasakitan ang mag-aamang naglakad sa kasagsagan ng kapaskuhan.

Pinakain at pinatulog ng mga ito ang mag-aamang bakas ang pagod sa paglalakad.

Sa tulong na rin ng ilan pang nagmalasakit ng residente doon, nabigyan pa si Tatay Crisanto at kanyang dalawang anak ng pera, pagkain at damit.

Maayos na rin silang naihatid sa kanilang mismong lugar sa bayan ng San Narciso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel