Matapos ang hidwaan noon! Isa pang Pinay, pinatay ng kanyang amo sa Kuwait

Matapos ang hidwaan noon! Isa pang Pinay, pinatay ng kanyang amo sa Kuwait

- Kinumpirma ng DFA ang kaso ng pagkamatay ng isang Pinay na kasambahay sa Kuwait nitong Lunes

- Ayon DFA, pinatay ang biktima ng asawa ng kanyang amo

- Muli namang kinondena ng ahensiya ang patuloy na pang-aabuso sa ating mga kababayan sa nasabing bansa

- Matatandaang noong nakaraang taon ay ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang pagpunta ng ating mga OFW sa Kuwait dahil sa patuloy na ulat ng pagpatay at pang-aabuso roon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes ang isa na namang kaso ng pagkamatay ng isang Pinay sa Kuwait.

Ayon sa ulat ng GMA News (Author, By Michaela Del Callar), base sa imbestigasyon, pinatay ng asawa ng kanyang amo ang biktima.

Ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang DFA kaugnay nito.

Kinondena naman ng DFA ang patuloy na pang-aabuso sa ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFW).

"The continuing incidents of violence and abuse of Filipino domestic workers in Kuwait violates the spirit of the agreement signed in May 2018 that seeks to promote and protect their welfare," ayon sa statement ng DFA.

Dahil dito, ipinatawag ang Ambassador ng Kuwait sa Manila upang kwestyunin ang tila kawalan umano ng proteksyon ng mga Pinoy mula sa kanilang mga employer.

Hiniling naman ng mga awtoridad ang "complete transparency" sa pag-iimbestiga sa kaso at masiguro ang "swift prosecution of the perpetrators to the fullest extent of the law."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong nakaraang taon ay ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagta-trabaho ng mga OFW sa Kuwait dahil sa patuloy na kaso ng pang-aabuso at pagkamatay ng ilan doon.

Nag-ugat ito nang maiulat ang kaso ng Pinay maid na si Joanna Demafelis, 29-anyos, na natagpuan ang bangkay sa loob ng isang freezer, isang taon matapos ma-report na nawawala ito.

May mga senyales din na pinahirapan ito ng husto.

Ang suspek sa brutal na pagkamatay nito ay ang mag-asawang amo nito na naaresto naman matapos ang pagtugis dito ng Interpol.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, dalawang Pinay OFW ang nasawi habang apat ang sugatan matapos araruhin ng isang sasakyan sa Singapore.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel