Babae, arestado matapos magshoplift ng mga grocery para sa 'media noche'

Babae, arestado matapos magshoplift ng mga grocery para sa 'media noche'

- Arestado ang isang 42-anyos na babae matapos itong mahulihan ng mga grocery items sa loob ng kanyang bag

- Dahil nabigo itong magpakita ng resibo, agad itong dinakip ng security guard na nakahuli rito

- Ayon sa pulisya, posibleng ihahanda nito para sa 'media noche' ang mga kinuhang groceries

- Kasalukuyan naman itong nakakulong sa Marikina police station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang 42-anyos na babae matapos itong mahulihan ng ilang grocery items sa loob ng bag nito.

Ayon sa ulat ng Inquirer (Author, Consuelo Marquez) nahuli ang babae sa loob ng isang grocery store sa Marikina City.

Nahuli ito ng isang security guard sa tindahan at nakita mula sa bag nito ang ilang grocery na nagkakahalaga ng P585.34.

Isang bumbilya, Italian Spicy Sauce; Nata de Coco; keso; at 0.13 grams ng giniling na baboy ang mga produktong nadiskubre sa loob ng bag ng suspek.

Dahil nabigo ang babae na magpakita ng resibo, agad naman itong inaresto ng sekyu.

Ayon kay Police Master Sergeant Eric Forsal, posibleng ipanghahanda ng suspek ang mga kinuhang grocery item para sa 'media noche'.

Sinabi rin ni Forsal na hindi pa nakakausap ang babae matapos ang insidente.

Kasalukuyan naman itong nakakulong sa Marikina police station habang inihahanda ang reklamo laban dito.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"Bakit kasi kailangang ma pressure mag "handa" for media noche? Although I feel bad for her because of pity, I still don't think it's right to steal just for the sake of "may handa sa media noche". Just my two cents."
"Sad, indeed. But let's face it, stealing is a crime no matter what your reason for doing it."
"Poverty is not an excuse to make a crime. We are also poor pero we do our best to live in a decent life."
"Naalala ko dati pasko at bagong taon Wala Naman kami handa. Ehh sa Wala talaga ganun talaga pero never resort in stealing. Big or small it's still a crime to steal. Too bad though since the big time thief has position in our government while a simple citizen who just wants to bring something on the table is jailed."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel