Turista na tumangging magsuot ng life jacket, nasawi nang malunod sa El Nido

Turista na tumangging magsuot ng life jacket, nasawi nang malunod sa El Nido

- Nasawi ang isang turista sa El Nido sa Palawan matapos itong malunod sa Helicopter Island

- Ayon sa ulat, tumanggi raw ang turista na 45-anyos na magsuot ng life jacket dahil marunong naman daw itong lumangoy

- Nang makarating sa Helicopter Island kung saan malakas umano ang alon ay muli raw itong pinilit na magsuot ng life jacket ngunit muli umano itong tumanggi

- Napansin na lamang ng mga kasamahan nito na lumulutang na ang katawan nito at wala nang malay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang lalaking turista sa El Nido sa Palawan matapos itong malunod sa Helicopter Island noong Linggo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tumanggi umanong magsuot ng life jacket ang turista sa kabila nang pagpupumilit ng boat crew dahil marunong naman daw itong lumangoy.

Kasama ito ng ilan pang turista na nag-a-island hopping sa lugar.

Kinilala ang biktima na si Oliver Tan Ong, 45 anyos, at isang negosyante mula sa Mandaluyong City.

“Tumanggi kasi, kasi sabi niya ay marunong naman daw siyang lumangoy," ayon sa pulisya.

Base sa ulat, maayos naman daw na nakalangoy si Ong sa naunang dalawang isla ngunit hindi pinalad sa Helicopter Island kung saan malakas umano ang mga alon.

Sinubukan daw muli itong pagsuotin ng life jacket at muling pinaalalahan ngunit tumanggi muli.

Napansin na lamang daw ng mga kasama nito na lumulutang na ang katawan nito at wala nang malay.

Agad naman daw itong sinaklolohan ng iba pang turista at sinubukang i-revive.

Dinala rin ito sa isang clinic sa bayan ngunit idineklara na raw itong 'dead on arrival'.

Ayon sa ulat, isang Espanyol ang nag-report sa El Nido Municipal Police Station.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa pamilya ng nasawi.

Muli namang nagpaalala ang mga pulis na sumunod sa mga patakaran kapag nag-a-island hopping at magsuot ng life jacket kahit pa marunong lumangoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel