Pangulong Duterte, sinabihan ang ABS-CBN na ibenta na lamang ang kanilang network

Pangulong Duterte, sinabihan ang ABS-CBN na ibenta na lamang ang kanilang network

- May maanghang na patutsada na naman si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Hinamon niya na ibenta na lamang umano ABS-CBN ang kanilang kompanya

- Nasa tatlong buwan na lamang at mae-expire na ang prangkisa na malaking network na ito sa bansa

- Makailang beses nang nababanggit ng pangulo ang tungkol sa pagharang niya umano sa franchise renewal ng network at habang papalapit ang Marso, ay lalong nagiging mainit na usapin ito sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang na-ungkat ni Pangulong Duterte ang pagrerenew ng ABS-CBN ng kanilang prangkisa.

Matatandaang, una nang naibalita ng KAMI na hayagan at makailang beses nang nasabi ng pangulo ang pagharang niya mismo sa franchise renewal ng network na magaganap dapat sa Marso ng 2020.

Ayon sa CNN news Philippines, nagbigay pa umano ng payo ang pangulo sa kung ano ang maaring gawin ng malaking network company na ito sakaling magtagumpay ang pangulo na di na sila i-renew pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo. Mag-renew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan. Kung ako sa inyo ipagbili niyo na ‘yan,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nang bumisita siya sa M’lang, North Cotabato sa mga biktima ng lindol doon.

“Kasi ang mga Pilipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever,” dagdag pa niya.

Nag-ugat di umano ang di pagkakaunawaan nito nang akusahan ng Pangulo ang ABS-CBN ng estafa dahil sa di pagpapalabas ng bayad na election advertisement niya noong 2016.

Bukod pa rito, sinabi ng pangulo na 'bias' at di patas di umano ang pag-uulat ng nasabing network patungkol sa mga balita sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel