Cybersecurity ng Pinas, nagbigay babala ukol sa mapanganib na online greeting

Cybersecurity ng Pinas, nagbigay babala ukol sa mapanganib na online greeting

- Nagbigay babala ang cybersecurity ng Pilipinas sa di umano'y kumakalat na holiday greeting ngayon

- Maari raw kasing makuhanan ng mga personal na impormasyon ang sinumang magbubukas nito

- Sakali raw na nabuksan ang kaaya-ayang "new year" greeting na ito, mainam na baguhin agad ang password ng social media lalo na ang online bank accounts upang masigurong di ito basta mapapagkunan ng impormasyon

- Nagbigay na rin sila ng mga listahan ng mga malicious websites na gumagawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalat na kalat ngayon ang nakatutuwang online holiday greeting na maari pa lang magdulot ng panganib sa sinumang magbubukas nito.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nagbigay babala na ang Cyber Security Philippines - Computer Emergency Response Team (CERT) patungkol sa 'new year greeting' na ito na tila dumarami na ang nabibiktima.

Ipinapadala ito sa mga social media lalo na sa Facebook messenger.

Personal greeting ito kung saan maari mong ilagay ang iyong pangalan o pangalan ninyong pamilya upang maipadala rin ang greeting na ito sa iba.

Ang nakaaalarma dito ay ang paghingi ng pahintuloy ng unsafe site na ito kung maari nilang ma-access ang iyong social media account.

Dagdag pa ng CERT, mainam na magbago agad ng passwords ng mga social media accounts lalo na ng mga online banking accounts ang sinumang nakapagbukas at nakapagpadala ng online greeting na ito.

Babala: Online new year greeting, maaring makakuha ng personal na impormasyon sa magbukas nito

source: CERT
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang listahan ng mga sites na gumagawa at nagpapadala ng ganitong pagbati online:

wish-you.co

wish4u.co

my-msg.co

look-me.co

surprise4u.me

hookupgist.com

see-magic.co

mera-style.co

whatsapp-style.co

my-love.co

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel