Sentemyento ng lalaking pinaglaba sa kanyang rest day, milyon-milyon ang views

Sentemyento ng lalaking pinaglaba sa kanyang rest day, milyon-milyon ang views

-Marami ang naaliw sa video ng isang lalaki na naglabas ng sama ng loob habang siya ay naglalaba

-Ayon sa viral post na ito sa Facebook, rest day ng lalaki at pinaglaba ito kasama ng iba pang "Adan" na naglalaba rin

-Makikita naman na ginawa na lamang katatawanan ng lalaki ang kanyang sitwasyon at pinatawa na lang ang kanyang mga kasama

-At mukhang marami ang naka-relate rito dahil umabot na sa mahigit limang milyong ang views nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nagviral at marami ang naaliw sa isang video ng lalaki na naglalabas ng sama ng loob habang siya ay naglalaba.

Sa Facebook video na in-upload ng netizen na si Mike Andoy Ocampo, makikita pa ang lalaki at ang ilan pang "Adan" na naglalaba rin.

Ayon sa post ni Ocampo, rest day daw kasi nito ngunit pinaglaba naman.

May isang beses pa na nagdabog ito ngunit halata naman na katuwaan lang ito

Sa kabila ng kanyang mga hinaing, pinatawa na lamang nito ang mga kasama.

Sa huling bahagi pa nga ng viral video ay isinubsob pa nito ang ulo sa batya ng kanyang mga labahin na nagdulot ng labis na katatawanan sa kanyang mga kasama roon.

May ilang netizens din ang tila naka-relate sa sitwasyon ng lalaki.

At ang video na ito umabot na sa mahigit limang milyon ang views sa Facebook sa kasalukuyan.

"Yan ang tunay na lalaki kayang gawin ang trbho ng babae."

"Hahaha ..nakakawala NG pagod."

"hahahaha badtrip pag ako ganyan baka mag dilim paningin ko talaga."

"Wahha kulit ni kuya."

"Advance thank you sa asawa q para bukas hahahh dahil restday mo at laba day mo hahaha iloveyou."

"good vibes kuya ah sana ganto na napapanuod lagi di puro kremin."

"sakit akong tyan hahahahahahaha."

"restday pa more.."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel