Royal fans, may napansin sa mga larawan sa speech ni Queen Elizabeth

Royal fans, may napansin sa mga larawan sa speech ni Queen Elizabeth

-Labis na ipinagtaka ng mga Royal fans kung bakit wala ang mga larawan nina Prince Harry at Meghan Markle noong nag-speech si Queen Elizabeth

-Umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

-Sa nasabing speech, nagbigay ng mensahe ang reyna para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan

-Ipinaliwanag naman ng isang royal expert ang tungkol sa nasabing isyu na napansin ng mga fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ipinagtaka ng mga royal fans ang naging set up ng mga larawan ng ilang miyembro ng Royal Family noong nagbigay ng mensahe si Queen Elizabeth para sa Kapaskuhan.

Sa isang Instagram post ng Kensington Palace official account, makikita ang mga larawan sa tabi ng reyna. Naroon ang mga larawan nina Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth, Duke of Edinburgh, ang ama nito na si King George VI noong 1944.

Maging ang larawan nina Prince Charles at Camilla. At larawan ng pamilya nina Prince William at Kate Middleton na siya ring ginamit sa kanilang official Christmas card ngayong taon.

Ngunit marami ang nagtatanong kung bakit wala ang larawan nina Prince Harry, Meghan Markle at anak nila na si Prince Archie.

Agad na umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga fans.

Pero ayon sa isang report ng Yahoo News, ang naging set up na ito mayroong logical explanation.

Ang mga nasa larawan ay mga tagapagmana sa trono ng reyna.

Ang susunod na monarch ay si Prince Charles na mamanahin naman ni Prince William at ni Prince George.

At dahil ikalawang anak si Prince Harry at nasa ikaanim na pwesto mula sa trono, malaki ang posibilidad na hindi nito manahin ang trono.

Sabi naman ng royal correspondent na si Rebecca English mula sa Daily Mail nadagdagan na rin ang role nina Prince William at Kate Middleton sa Royal Family kung kaya naman nagkaroon na ang mga ito ng "seniority" kaysa dati.

"This stepping up in the family pecking order is crucial, given the increasing frailness of his grandfather Prince Philip, 98 — now living a solitary life at Sandringham — which has left the Queen needing the support of her heirs more than ever before."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel