Sandamakmak na basura, iniwan ng mga bumisita sa Rizal Park noong Pasko

Sandamakmak na basura, iniwan ng mga bumisita sa Rizal Park noong Pasko

- Muli na namang nag-iwan ang mga bumisita sa Rizal Park ng napakaraming basura

- Ayon sa mga ulat na lumabas, 12 tons na ng basura and dinulot ng mga nagpunta sa makasaysayang parke na doon sinalubong ang Kapaskuhan

- Ngunit base rin sa ulat, mahigit 50 tonelada ang lahat ng basura na nakulekta sa parke

- Marami tuloy ang hindi naiwasang "maasar" dahil sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, napakaraming basura naman ang naiwan sa makasaysayang Rizal Park.

Ayon sa mga ulat na lumabas, noong araw ng Pasko ay 12 tons ng basura ang iniwan ng mga bumisita sa parke at doon sinalubong ang Kapaskuhan mula noong Disyembre 24 hanggang umaga ng Disyembre 25 batay sa city public information chief na si Julius Leonen.

At nag-iwan ang mga ito ng mahigit 60 metric tons ng basura sa lugar.

Base sa report ng Philippine Star, mula hapon ng Disyembre 25 hanggang 11 a.m. ng Disyembre 26 naipon ang sandamakmak na basurang ito.

Sa isang ulat ng Inquirer, sinabi ni National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecile Lorenzana-Romero na nakolekta nila ang tone-toneladang basura sa Rizal Park.

“We are confirming the huge volume of garbage collected during the Christmas Season at Rizal Park but the garbage collected was less compared to last year," anito.

Hindi tuloy maiwasan ng maraming Pinoy netizens ang "maasar" dahil sa balitang ito.

"And we, Filipinos, demand for change and improvement from the government but we, ourselves, cannot even afford to change for the better."
"Kahit sabihin na wala ng basurahan, iuwi niyo angkalat niyo. magdala ng sarili lalagyan ng sariling basura mga utak talangka, hindi porke may tagalinis ay magkakalat kayo mga walang pakielam sa paligid dapat sainyo di na pinapapunta dyan puro lang kalat naiiwan dyan."
"How inconsiderate! I hope you all would appreciate the effort of Mayor Isko Moreno in cleaning up Luneta park for the people of Manila!"
"If that is the case then, Rizal Park should be off for any Christmas or New Year celebration at least for a year."
"Tradition na ng mga Pilipino ang mag celebrate ng pasko sa luneta.. FamilyBonding. Kaso Disiplina lng talaga wala tayo."
"Hindi lang gobyerno ang may obligasyon sa bansa naten.... tayo ding mga pribadong mamamayan!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel