Alex Gonzaga, sumama sa grocery shopping ni Idol Raffy Tulfo

Alex Gonzaga, sumama sa grocery shopping ni Idol Raffy Tulfo

- Marami ang naaliw sa YouTube video ni Alex Gonzaga kasama si Raffy Tulfo

- Sinamahan ni Alex si Mr. Tulfo habang namimili ito habang nakisabay din sa kulitan ang broadcast journalist

- Hindi napigilang tumawa ni idol sa mga kwelang banat ni Alex habang pumipili sila ng mga bibilhin

- Pabiro pang kumupit si Alex sa pera ni idol nang magbayad ito sa counter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang bagong video ni Alex Gonzaga na kanyang ibinahagi sa YouTube. Kasama niya si idol Raffy Tulfo sa kanyang nakaaliw na video.

Habang namimili ay patuloy ang pangungulit at pagbibiro ni Alex kaya hindi din mapigilan tumawa ng broadcast journalist.

Pabiro ding sinabi ni Alex na nag shoplift si idol. Kahit ang mga taong nakakasabay nila ay aliw na aliw sa kakulitan ni Alex.

Nang magbabayad na ay nagprisinta si Alex na siya na diumano ang magbabayad sabay pabirong kumupit mula sa perang pambayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang unang video kung saan nagkasama sina Alex at Mr. Tulfo.

Panuorin ang video dito:

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens:

New Tandem in the House: isang hiyang hiya(sir raffy) at isang walang hiya(alex g)
This is the funniest vlog of Alex I have watched so far. Parang tatay lang ni Alex si Idol Raffy. Sinasaway yung pasaway na anak.
Grabe tawang tawa ako dito..best collab ever before the year ends in 2019
This collab made my night! Iba ka Alex G! This is really funny at di pilit or OA na cringy.
Kakatuwa panuorin silang dalawa pati si Idol naging jeprox na rin

Si Alex Gonzaga ay isang actress, writer, at social media influencer. Kapatid siya ng aktres na si Toni Gonzaga.

Unang nakilala si ALex nang mapabilang siya sa Kapamilya sitcom na Let's Go kung saan gumanap siya bilang si Alex. Ilan sa mga palabas na kanyang kinabilangan ay Pangarap Na Bituin, Your Song at My Girl.

Si Raffy Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na nakilala sa kanyang serbisyo publiko. Napapanood siya sa kanyang programang Wanted sa Radyo, sa Radyo5 92.3 News FM.

Sa naunang ulat, umabot na sa limang milyon ang YouTube subscribers ni Alex.

POPULAR: Read more about Alex Gonzaga here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel