Ex-'PBB' housemate Fourth Solomon, engaged na sa model girlfriend

Ex-'PBB' housemate Fourth Solomon, engaged na sa model girlfriend

- Engaged na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Solomon

- Ibinahagi ng magkasintahan ang engagement pictures nila sa kanilang Instagram account

- Nilinaw naman ng kakambal ni Fourth na si Fifth Solomon na hindi siya and engaged

- Naganap ang wedding proposal ni Fourth sa San Francisco, California

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Engaged na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Solomon sa kanyang model girlfriend na si Grizella Gratela.

Ibinahagi ng magkasintahan ang ilang litrato na kuha sa kanilang engagement sa personal Instagram accounts nila.

"Ngayon lang ulit ako kinabahan sa 'yo, Thank you and I love you," ani Fourth sa caption ng kanyang ibinahaging picure.

Makikita din ang kakambal ni Fourth na si Fifth Solomon sa Instagram post ni Gratela.

Ibinahagi din ni Fifth ang balita sa kanyang social media account at nilinaw na ang kakambal niya ang engaged at hindi siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hala! Sign na ba to? Ako na ba next?" aniya."Clear ko lang ulit ah, that’s my twin brother. NOT ME. Bakla ako," paglilinaw ni Fifth.

Naganap ang proposal sa San Francisco, California, base sa background ng mga litratong kanilang ibinahagi.

Parehas naging housemate ng "Pinoy Big Brother: All In" ang magkakambal na Fourth at Fifth Solomon. Sila ang nakababatang kapatid ng Kapuso actress na si Chariz Solomon.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanilang pagiging housemate sa PBB matapos aminin ni Fifth ang tungkol sa kanyang kasarian. SI Fifth ay isang aktor at direktor. Ilan sa kaniyang palabas ginawa ay Nakalimutan ko nang kalimutan ka (2018) at Halik sa hangin (2015).

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang paglabas ng sama ng loob ni Fifth Solomon sa ina ng isang aktor.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel