Nico Bolzico, binawian ng prank ng asawang si Solenn Heussaff

Nico Bolzico, binawian ng prank ng asawang si Solenn Heussaff

- Bumawi si Solenn Heussaff sa kanyang asawang si Nico Bolzico dahil sa ilang beses nitong pangpa-prank sa kanya

- Binasâ niya ang kanyang damit at binuhos ang tubig sa sahig para kunwari ay pumutok na ang panubigan niya

- Dali-daling pumanhik si Nico upang kunin ang mga gamit na kakailanganin sa panganganak ng asawa

- Bigla siyang natulala at tila nanghina nang mapagtantong binibiro lamang siya ni Solenn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakaligtas si Nico Bolzico sa pagbawing ginawa ni Solenn Heussaff sa kanya. Sa mga naunang mga Instagram posts ni Nico, palagi niyang nabibiktima ng prank ang asawang si Solenn.

Ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram ang video kung paano siya nataranta nang sabihin ng aswang pumutok na ang kanyang panubigan.

"So I'm bored and it's payback time for all the time Nico pranked me. He's watching TV downstairs and I'm going to pretend my water broke," ani Solenn habang hinahanda ang pinaplanong prank.

Kumaripas ng takbo si Nico matapos makita ang kalagayan ni Solenn. Nataranta pa ito habang kinukuha ang mga gamit na pinakuha ng asawa na kakailanganin sa kanyang panganganak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila nanghina naman si Nico nang mapagtantong nabiktima lamang siya ng biro ng kanyang asawa. Gayunpaman, ayon kay Nico, alam niya na babawi ang asawa. Hindi niya lang inasahan na itataon niya iyon sa saktong araw kung kailan nila inaasahang manganganak siya.

Si Nico Bolzico ay isang Argentine model at businessman. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Filipina-French VJ, actress, TV host, model, singer, fashion designer, painter, and professional make-up artist. Kapatid siya ng asawa ni Anne Curtis na si Erwann Heussaff.

Sa naunang ulat, usap-usapan ang maternity shoot nina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

POPULAR: Read more about Solenn Heussaff and Nico Bolzico here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel