Kano na nag-viral sa social media, kinompronta ang babaeng tumulong sa kanya

Kano na nag-viral sa social media, kinompronta ang babaeng tumulong sa kanya

- Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng Amerikanong nagviral kamakailan sa social media at babaeng tumulong sa kanya

- Sinisisi ng Kano ang babaeng tumulong sa kanya dahil ibinahagi niya diumano sa Facebook ang litrato ng kanyang anak na isang menor de edad

- Matatandaang kumalat sa social media ang kanilang litrato matapos silang makita na naglalakad sa lansangan

- Ayon sa babaeng nagbahagi ng kanilang litrato, nais lang niyang matulungan sila lalo na ang anak nitong babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng Amerikanong kinilalang si Jesse Carberry at babaeng nagpakilalang si Anne. Si Anne ang babaeng nakakita sa mag-ama at nagbahagi ng picture nila sa Facebook.

Nagviral ito dahil marami ang naantig at naawa sa kanila. Nakaabot ang kuwento nilang mag-ama sa programa ni Raffy Tulfo kaya minabuti nilang tulungan ang Amerikano.

Gayunpaman, habang tumatagal, napagtanto ni idol Raffy na tila may mental condition ang lalaki matapos nitong sigaw-sigawan ang isang reporter ng Raffy Tulfo in Action na tumulong sa kanilang mag-ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minabuti nilang kunin ang panig ng asawa ni Jesse na inakusahan ng Amerikano na nagtangka diumano sa buhay niya. Hiwalay na sila at dahil na rin sa naging desisyon ng DSWD sa lugar na kanilang unang tinirhan, minabuti ng asawa ni Jesse na ipaubaya ang bata sa kanya.

Gayunpaman, nilinaw ng asawa ni Jesse na si Marilyn Carberry na ginawa lamang niya iyon dahil sinabihan siyang incapable siya na alagaan ang bata.

Minabuti niyang magpasuring muli at nabigyan ng certificate na nagpapatunay na may kakayahan siyang alagaan ang kanilang anak.

Panuorin ang video dito:

Pinasuri din ni Marilyn ang anak dahil sa napansin ng isang kasamahan nila. Pansamantalang umuwi si Marilyn sa Butuan City habang hindi pa lumalabas ang desisyon ng DSWD sa custody ng anak nila ni Jessy.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel