Mag-asawa, pinagawan ng bahay at sinama sa abroad ng batang kanilang inampon

Mag-asawa, pinagawan ng bahay at sinama sa abroad ng batang kanilang inampon

- Pinagawaan ng bahay ng isang lalaki ang mag-asawang umampon sa kanya

- Sinama niya din ang mga ito sa iba't-ibang bansa kagaya ng Australia, New Zealand, and Dubai

- Isang porter lamang at vendor ang mag-asawa nang ampunin nila ang isang batang lalaki

- Bilang pasasalamat, pinangako ng batang bibigyan niya ng magandang buhay ang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang pasasalamat, pinagawaan ng bahay ng isang lalaki ang mag-asawang kumopkop sa kaniya. Dinala niya rin ito sa iba't-ibang lugar kagaya ng Australia, New Zealand at Dubai.

Sa kabila ng hirap ng buhay bilang isang porter at vendor, hindi nag-atubiling kupkupin ng mag-asawa ang isang batang lalaki. Kaya naman, nang naging matagumpay ito sa buhay, pinangako niyang bibigyan niya ng magandang buhay ang mga taong kumupkop sa kanya.

Ayon kay Jayvee Lazaro Badile II, hindi man madali ang buhay, kinupkop siya ng kanyang Nanay at Tatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine," aniya sa kanyang Facebook post.

Ibinahagi niya rin ang isang collage na nagpakita ng pagbabago ng estado ng kanilang buhay.

Nanirahan sila sa Bocaue, Bulacan. Hindi man madali, binusog siya ng pagmamahal ng kanyang kinikilalang mga magulang.

Sa isang madamdaming video, ibinahagi ni Jayvee kung paano ang kanilang buhay noon. Gayunpaman, dahilsa kanyang paagsisikap, napagawaan niya ng mas magandang bahay ang kanyang mga magulang.

Marami ang naantig at bumilib sa nakakainspire na kwento ng tagumpay ni Jayvee. Sa katunayan, umabot na sa 94,000 ang reactions at 56,000 shares ang kanyang post sa Facebook.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel