Paolo Contis, napagtripan ng anak ni LJ Reyes

Paolo Contis, napagtripan ng anak ni LJ Reyes

- Ibinahagi ni Paolo Contis ang litrato nilang magpamilya ngayong pasko

- Ayon sa kanya, binilinan niya ang anak ni LJ na si Aki na bilhan siya ng Santa pants

- Hindi niya na nakita kung ano ang binili para sa kanya dahil dineretso na ito sa luggage niya

- Nagulat man nang makita ang binili sa kaniya ni Aki, sinuot pa rin ni Paolo ang boxer shorts

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Paolo Contis ang family picture nila ni LJ Reyes kasama ang anak nitong si Aki at ang anak nilang si Summer. Ipinaliwanag ni Paolo ang dahilan kung bakit hindi siya nakasuot ng pantalon sa nasabing litrato gayong maginaw ang lugar na kanilang pinuntahan.

Ayon sa kanya, ibinilin niya sa anak ni LJ na si Aki na ibili siya ng santa pants para sa pasko nang lumabas sila upang mamili. Sumang-ayon naman daw si Aki kaya panatag ang loob niyang mabibilhan siya ng kanyang Christmas attire.

Hindi na diumano niya natingnan ang nabili para sa kanya at nilagay na daw agad ni Aki sa kanyang luggage. Kaya naman, ikinabigla niyang boxer shorts ang binili sa kanya at hindi pantalon.

Marami ang naaaliw sa magandang samahan nina Paolo at anak ni LJ na si Aki. Si Aki ay anak ng aktres sa dating karelasyon na si Paulo Avelino.

Hindi man siya ang tunay na ama ni Aki, malapit sila sa isa’t-isa at tinuturing na rin ni Paolo na sarili niyang anak si Aki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa nakakatuwang post na ito ng actor:

Kinuntsaba ni Aki yung mom.nya syempre. Nainfluence din ni Paolo sa kakulitan nya.
lol I was wondering how Lj didn’t help him choose the right one. Un pala connivance sila. Cute lungs ☺️
Siguro si Aki ang pumili talaga. Pero may PAMET seal of approval pa rin kay LJ since siya naman magbabayad.
Paolo seems to be a better father to Aki than the other one.
Chinitong chinito si Aki cute. May lahi ba sila LJ na chinese? Mga kids kasi nya chinky eyes nila pero mga dad nila hindi naman.

Si Paolo Contis ay nakilala bilang isang child star. Sumali siya sa youth oriented show na Ang TV noong siya ay bata pa lamang. Nagtuloy-tuloy na ang kaniyang paggawa ng mga TV shows at pelikula. Kabilang na ditto ang Oki Doki Dok at Tabing Ilog.

Una siyang ikinasal sa EB Babe na si Lian Paz at nagkaroon sila ng dalawang anak. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at parehas nang may kanya-kanyang pamilya sa kasalukuyan.

Sa naunang ulat, kinagiliwan ng netizens ang pictures ng summer vacation nila LJ, Paolo at mga anak nila.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel