Claudine Barretto, nagpasalamat kay Grecthen sa pag-ayos ng kanyang pamilya

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Grecthen sa pag-ayos ng kanyang pamilya

- Pinasalamatan ni Claudine si Gretchen Barretto matapos niyang ibahagi ang masayang bonding moment ng kanyang mag-aama

- Ayon kay Claudine, natuto siyang magpatawad dahil sa kanyang ate Gretchen na dati ay kanyang nakatampuhan din

- Naayos diumano ang kaniyang pamilya sa tulong ni Gretchen kaya kahit magkahiwalay at nagagampanan nil ani Raymart ang pagiging magulang sa mga anak

- Magkasamang nagbakasyon kamakailan sina Raymart at dalawang anak nilang sina Sabina at Santino sa Japan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Claudine Barretto ang kaniyang pasasalamat sa kanyang ate Gretchen dahil ito ang tumulong upang maayos diumano ang kaniyang pamilya. Kasunod ito ng pagbahagi niya ng video ng bonding moment ng kanyang mag-aamang Raymart Santiago, Sabina at Santino.

Sinama ni Rayamart ang dalawa nilang anak sa Japan. Masayang ibinahagi ni Claudine ang video at ibinahaging ang kaniyang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“God is good all the time,” ani Gretchen sa comment section ng Instagram post ni Claudine. Tumugon naman si Claudine at pinasalamatan ang kanyang kapatid sa pagtulong diumano sa kanyan upang maayos ang kanyang pamilya. Dagdag pa ni Claudine, natuto siyang magpatawad dahil sa kanyang ate.

“@gretchenbarretto thank you. Yes, God is good because you fixed our family and now, we co-parent. Thanks to you, I learned to forgive. I love you,” tugon ni Claudine.

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Grecthen sap ag-ayos ng kaniyang pamilya

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Grecthen sap ag-ayos ng kaniyang pamilya
Source: Instagram

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Raymart Santiago ang ilang pictures at videos ng bakasyon nilang mag-aama.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

POPULAR: Read more about Claudine Barretto here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel