Bride, pumanaw sa kalagitnaan ng seremonya ng kanyang kasal

Bride, pumanaw sa kalagitnaan ng seremonya ng kanyang kasal

-Hindi na natapos pa ng isang bride sa Quezon ang seremonya ng kanyang kasal na binawian ng buhay bago pa man makapag- "I do" sa kanyang groom

-Sa post ng pinsan ng groom sa Facebook, ibinahagi nito ang ilang malulungkot na larawan ng kasal ng mga ito

-Nakatakda talaga ang kasal ng mga ito noong araw na iyon na naging araw din ng pagpanaw ng bride

-Pangarap ng dalawa na mag-isang dibdib kaya naman itinuloy na rin ng pari ang seremonya at idineklarang mag-asawa ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang nakalulungkot na "ending" nagtapos ang dapat sana'y masayang araw para sa magkasintahang Victor Banayo at Marjorie Calizar.

Ito ay matapos na pumanaw ni Calizar sa mismong araw ng kanilang kasal noong December 26, 2019 sa Tiaong, Quezon.

Hindi na natapos pa ng bride ang seremonya ng kasal nang bawian ito ng buhay sa kalagitnaan nito.

Sa post ng netizen na si May Ann Magnaye Mercado, ilang larawan ng malungkot na kasalan ang ibinahagi nito kung saan makikitang naka-stretcher ang bride dahil hindi na nito kaya ang maglakad pa.

Ambulansya rin ang ginamit para masakyan ng bride na malala na ang kalagayan, papunta sa simbahan.

Sa isang ulat ng GMA News kung saan din naitampok ang istorya ng dalawa, nagkaroon ng cancer si Calizar bago pa man ang nakatakdang kasal.

Dahil pangarap ng dalawa na makapag-isang dibdib ay itinuloy pa rin ng pari ang seremonya at idineklara ang mga ito bilang mag-asawa.

Bumuhos ang luha at lungkot sa loob ng simbahan nang tuluyan nang namaalam ang bride sa araw na pinangarap niyang makasal sa kanyang minamahal.

Dagsa rin ang pakikiramay para sa mga naiwan ng bride mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel