Bagong tren ng PNR, muntik masira dahil sa gulong at yero sa riles sa Sampaloc

Bagong tren ng PNR, muntik masira dahil sa gulong at yero sa riles sa Sampaloc

- Muntik nang masira agad ang bagong unit ng tren dahil sa gulong at yero na nakaharang sa riles sa Samapaloc

- Kung dati binabato ang mga bintana ng lumang tren, ngayon naman, pati ang mga bagong unit ay nais ding sirain

- Hinihinalang mga residente di umano sa paigid ng mga riles ang gumagawa nito dahil sa napipintong pagiging aktibo ng PNR maging sa mga provincial trips

- Nabahala ang publiko sa mga ganitong gawain ng ilan sa ating mga kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang masira at maaksidente ang bagong unit ng tren ng Philippine National Railways dahil sa gulong at yero na natagpuan sa riles na daraanan nito sa Sampaloc.

Binahagi ng Radyo Singko 92.3 News FM ang larawan mula kay PNR GM Junn Magno kung saan napakalapit na halos ng tren sa mga nakaharang na gulong at yero sa riles.

Kitang-kita sa larawan na sinadya ang pagkakalagay ng mga ito sa riles at tiyak na makasisira sa bandang ilalim ng bagong tren mula Indonesia kung ito ay nadaanan.

Ayon kay Asec GoddesHope Oliveros-Libiran, hindi na raw basta mabato ang mga bintana ng bagong tren dahil gawa ito umano sa polycarbonate na di bastang masisira.

Kaya raw ang puntirya ng mga maninirang ito ay ang ilalim na bahagi ng tren o ang undercarriage nito.

Nabahala ang publiko sa mga gawaing ito na sana naman daw ay tigilan na ng iba nating mamayan lalo na ang mga nakatira malapit sa tren na hinihinalang gumagawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kamay na bakal na! Paalisin sila at panagutin ang mga brgy officials na sumasakop dito para maging responsable silang bantayan ang area na dadaanan ng trains."
"Wala na nga naitutulong nakakadagdag pa sa perwisyo. Kaso hayan na naman ang mga Human Rights group ... bibigyan pa ng karapatan ang mga yan. From the debris in Luneta (Christmas aftermath) to damaging these trains -- we CAN have nice things"
"Tapos kapag pinalayas sa mga bahay nila parang mga tutang sobrang amo. They could kill thousands of commuters if a derailment happens."
"Nakakalungkot lang isipin na may mga ganitong nagagawa ang ibang tao sa kapwa nila"
"Gawan ng aksyon sa tamang paraan, sa makataong paraan para maging mabuting ehemplo rin sa mga gumagawa ng di magandang bagay na ito"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel