OFW, naghihinagpis matapos mapag-alaman ang sinapit ng anak na taong pinagkatiwalaan

OFW, naghihinagpis matapos mapag-alaman ang sinapit ng anak na taong pinagkatiwalaan

- Naglabas ng sama ng loob ang isang inang OFW matapos niyang malaman ang sinapit ng kanyang anak

- Ayon sa kanya, ang anak niya ay kanyang ipinagkatiwala habang siya ay nagtrabaho sa ibang bansa

- Kaya naman, ikinabigla niya nang makita sa isang video kung gaano kasaklap ang kalagayan ng kanyang anak na may special needs

- Umani ng pambabatikos mula sa netizens ang kumakalat na video ng pananakit ng babae sa anak ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang magpuyos sa galit ang isang inang OFW. Ito ay matapos makarating sa kanya ang video kung paano sinaktan ang kanyang anak na may special needs.

Kaya naman, ibinahagi niya sa social media ang litrato ng babaeng kanyang pinagkatiwalaan para mag-alaga at magbantay sa kaniyang anak habang siya ay naghahanap-buhay sa ibang bansa.

Ayon sa OFW na may Facebook name na Wenona Ilagan, ang babaeng nanakit sa anak niya sa kumakalat na video ay taga Don Luis, San Jose, Batangas.

Tga Barangay Don Luis, San Jose, Batangas. Please po paki share. At para mahuli sya. May diperensya po ang anak ko at pinagkatiwala ko s kanila ang mga anak ko habang ako ay ngtatrabaho pero ganyan ang gagawin nila...

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, ipinasa lang ng kapitbahay nila ang video sa kanya.

Dahil sa bayolenteng tema ng video, nabubura ito sa Facebook. Gayunpaman, umaasa ang ina na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak.

Inilabas din ni Ilagan ang kaniyang sama ng loob sa babae tatlong buwan na ang nakalipas. Ayon sa post, nagkasundo silang babantayan nito ang anak niya.

Umani naman ng pambabatikos ang video na ito. Marami ang nahabag sa sinapit ng bata. Marami rin ang umaasang matutulungan ng ilang mga programa kagaya ng Raffy Tulfo in Action ang bata.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel