BB Gandanghari, hindi napigilang maiyak habang isinasalaysay ang kaniyang pinagdadaanan

BB Gandanghari, hindi napigilang maiyak habang isinasalaysay ang kaniyang pinagdadaanan

- Emosyonal na ibinahagi ni BB Gandanghari ang kanyang pinagdadaanan bilang isang trans woman

- Ayon sa kanya, kagaya sa pinagdadaanan ng mga kababaihan, nakakaranas din sila ng mood swings lalo na kapag nagpapaturok ng hormones

- Dagdag pa niya, hindi madali para sa mga transgender ang sumailalim sa pagbabago o transition

- Matatandaang pormal na kinilala ng Los Angeles court si BB Gandanghari bilang isang babae noong taong 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni BB Gandanghari ang hirap na pinagdadaanan ng mge transgender lalo na sa panahon ng kanilang pagtransition.

Sa kanyang vlog, emosyonal na nagkuwento si BB tungkol sa pinagdadaanan niya at ng kagaya niyang trans woman. Ayon sa kaniya, nakakaramdam siya ng pagiging "vulnerable emotionally."

Kagaya sa mga normal na babae, nakakaranas din daw siya ng mood swings lalo pa at dalawang beses sa isang buwan siyang nagpapaturok ng hormones.

"It's hard for a transgender individual to go through transition by themselves. ...It's very difficult kasi you are vulnerable emotionally. So reach out," aniya.

Dagdag pa niya, kahit mukhang masayahin ang mga transgender, maaring hindi lang nila pinapakita ang tunay nilang nararamdaman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"[To those who have transgender friends, ask them], because a lot of transgender individuals always have that happy face. You may call it their mask, but it's actually for self-preservation.

Hinimok din niya ang mga netizens na ipadama sa mga transgender na sila ay tanggap.

"Ask them if they're emotionally strong and strengthen them if they're not. And most definitely don't expect them to be strong enough. Let them feel accepted. Not tolerated, accepted.

"Tell them, from the bottom of your heart, they're more than enough," aniya habang pinipigil ang kaniyang pag-iyak.

Si BB Gandanghari na dating kilala bilang si Rustom Padilla ay sumali sa "Pinoy Big Brother" noong 2006. Doon din niya pinaalam sa lahat ang tunay niyang kasarian. Sampung taon matapos ang kaniyang pag-amin, kinilala siya ng Los Angeles court bilang isang tunay na babae.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Carmina Villaroel ang kanyang saloobin tungkol sa dating asawang si Rustom Padilla.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel