Prank na nauwi sa emosyonal na pasasalamat ng ina sa anak, 4.5 million views na

Prank na nauwi sa emosyonal na pasasalamat ng ina sa anak, 4.5 million views na

- Mabilis na nag-viral ang isang video prank sana ng anak sa kanyang ina

- Imbis na matawa sa pagbubukas ng maagang pamasko ng anak, napaluha ang ina at napayakap ng mahigpit sa kanyang anak

- Naluha ang anak na hindi rin inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang ina

- Pumalo na sa 4.5 million ang views ng video na nagpaiyak din sa maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaiyak sa milyon-milyong netizens ang viral video ni UncleJeff Laurenio na binahagi niya nitong Lunes, Disyembre 23.

Ayon kay Jeff, isang prank daw sana ang kanyang gagawin sa ina kung saan maaga niyang binigay ang kanyang pamasko.

Nagtataka rin ang kanyang ina kung bakit maagang pinabubuksan ng anak ang regalo nito sa kanya.

Humirit pa nga ang ina kung may pera bang laman ang regalo ngunit sinabi na lamang ni Jeff na wala dahil wala raw siya noon.

Ngunit nang makita ng ina na pitaka pala ang regalo na may lamang pera, agad na napayakap ito sa kanyang anak ng mahigpit.

Di na rin nila napigilang maluha ng mag-ina na naging emosyonal na sa nangyari.

Kwento pa ng anak, noon lamang daw siya niyakap ng kanyang mama ng ganoon kahigpit bilang pasasalamat sa binigay nito sa kanya.

Maging ang mga netizens ay naluha rin sa nakakaantig na video na ito ni Jeff at karamihan ay nais din mayapos ang kanilang ina sa panahon ng kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang iba pang komento at reaksyon ng netizens tungkol sa agaw atensyon na video:

"Naiiyak ako kya namiss ko mama ko na sa Heaven na sya Ganyan dn sya"
"Ay grabe yung luha ko, yung higit ng yakap ng nanay sa anak, bihira na nga ata yun"
"Paglaki ng mga anak ko, yayakapin ko pa rin sila ng ganito kahigpit may regalo man sila o wala sa akin"
"Grabe, tagos sa puso ang eksenang ito, tinalo pa ang telenovela, totoong totoo kasi"
"Namiss ko bigla ang mama ko, sana mayakap ko rin siya ng tulad nito"

Umabot na sa mahigit 4.5 million ang views ng viral video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel