Hanggang USA: Raffy Tulfo, binigyan ng $100 ang palaboy na marunong mag-tagalog

Hanggang USA: Raffy Tulfo, binigyan ng $100 ang palaboy na marunong mag-tagalog

- Muli na namang hinangaan si Raffy Tulfo sa pagtulong niya sa taong nangangailangan maging sa ibang bansa

- May lumapit na isang African American na palaboy sa kanila at laking gulat ni Tulfo na marunong itong mag-tagalog

- Sa tuwa, binigyan niya ito ng $100 bilang tulong niya rito lalo na sa panahon ng kapaskuhan

- Di makapaniwala ang babae na isa rin pa lang PWD

- Nagbiro pa ito na nais daw niyang pakasalan si Tulfo ngunit umatras nang makita ang asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang isa na namang pagtulong na ginawa ni Raffy Tulfo maging sa ibang bansa.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika si Tulfo kasama ang kanyang pamilya ngunit di pa rin ito naawat sa paggawa ng kabutihan sa kapwa tao.

Binahagi niya sa kanyang Facebook post ang naganap paglabas nila ng Max's restaurant sa Las Vegas.

Isa raw African American na palaboy ang lumapit sa kanila at nagsimulang magsalita ng tagalog.

Namangha si "Idol Raffy" at binigyan niya ito ng $100. Tuwang-tuwa ang babae na isa rin pa lang PWD.

Sa sobrang saya, nagbiro pa ito na nais niyang pakasalan si Tulfo dahil sa kabutihan nito.

Ngunit nang makita ng babae ang misis ni Idol Raffy, tinanong na lamang niya kung mayroon itong nakatatandang kapatid na lalaki na pwede niyang maging asawa.

Humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ni Tulfo. Wala raw kasing pinipiling lugar, oras o maging nasyunalidad ang tinutulungan nito.

Katunayan, kahit na nasa ibang bansa ito, kinakapanayam pa rin niya via phone patch ang nasa studio ng kanyang sikat na programang Wanted sa Radio at Raffy Tulfo in Action upang patuloy pa rin ang pag-alalay niya sa mga dumudulog sa kanilang programa.

Umabot na sa 164,000 na positibong reaksyon ang post sa loob lamang ng dalwang oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga nakakataba ng pusong komento ng netizens:

"Very nice with pleasing personality Idol Raffy and family ,good Public Relationship to any kind of races around the World, Mabuhay You have a heart of Gold! Praise the Lord!"
"Lodi ka tlga Ng buong mundo"
"Sir Raffy Tulfo In Action , any point Global . God bless you and ur family always Sir Idol"
"Wow iba k poh tlga sir idol raffytulfo god bless you poh"
"Napakabuti mo talaga idol.. Ikaw ang tunay na idol.. More blessings Sir Raffy Tulfo and to your family.. Wish ko sayo ay good health and safety oras oras."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel