Ina, binahagi ang huling sandali ng anak bago ito natangay ng flashflood sa araw ng pasko

Ina, binahagi ang huling sandali ng anak bago ito natangay ng flashflood sa araw ng pasko

- Binahagi ng isang ina ang bilis ng pangyayari kung paanong naanod ang kanyang anak ng flashflood bunsod ng bagyong Ursula

- Mangiyak-ngiyak nitong kinuwento ang mga huling sandali ng anak na nakita na lamang niya ang bangkay makalipas ang 24 oras

- Ilang kamag-anak niya ang nasawi rin sa pagragasa ng tubig sa kanilang lugar

- Ang asawa ng kanyang pamangkin ay di na rin nakalipad patungong Kuwait dahil kasama rin ang pamilya nito sa mga natangay ng flashflood

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na binahagi ni Alma de Asis ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang pamilya sa mismong araw ng pasko.

Bunsod ng lakas ng bagyong Ursula sa kapaskuhan, isa ang pamilya ng 64-anyos na mula sa Bantad, Iloilo sa mga di nakapagdiwang sa masaya sanang araw na iyon.

Sa panayam ni Leo Solinap ng SunStar kay Nanay Alma, binahagi nitong sadyang napakabilis ng pangyayari kung paanong naanod ng mabilis na ragasa ng tubig ang kanyang 12-anyos na ampon na si Ljee.

SI Ljee ay anak ng kapatid ni Nanay Alma na pumanaw na kaya naman kinupkop na niya ito at siya ang nakagisnan nitong ina.

"Mama, mama" ang huling nasambit ng anak bago ito natangay ng flashflood.

Madilim ang paligid noon at halos di na nila nakita ang mga pangyayari.

Kasama ring nasawi ang pamangkin ni Nanay Alma na si Roel at pamilya nito.

Ina, bianahagi ang mga huling sandali ng anak na natangay ng flashflood sa araw ng pasko

source: Yahoo Philippines
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang misis ni Roel na noon ay may flight patungong Kuwait ay napabalik ng Iloilo dahil sa nakakalungkot na sinapit ng kanyang mag-aama.

Bandang 2:00 ng madaling araw ng Disyembre 25 nang magsimulang tumaas ang tubig sa kanilang lugar.

Noon pa lamang sila nagpasyang lumikas ngunit sadyang napakabilis ng tubig at tanging si Nanay Alma lamang ang nakaligtas sa kanyang mga kasamang kamag-anak.

Tatlo hanggang apat na oras ding nakakapit sa puno si Nanay Alma bago siya tuluyang na-rescue.

Samantala, 24 oras pa ang lumipas bago tuluyang nakita ang bangkay ng kanyang anak na si Ljee.

Sadyang di lahat ay naging masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan dahil sa lakas ng bagyong Ursula na pumasok sa ating bansa.

Tinatayang nasa 28 na ang bilang nga mga pumanaw dahil sa mga aksidenteng naganap sa kasagsagan ng bagyong Ursula ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council noong Disyembre 27.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel