Magtataho, hinangaan sa kabutihang pinakita sa kanyang mga suki lalo na ngayong pasko

Magtataho, hinangaan sa kabutihang pinakita sa kanyang mga suki lalo na ngayong pasko

- Hinangaan ang magtataho na namigay ng kanyang paninda bilang kanyang pamasko

- Bukod sa ginawa niyang ito, na-inspire din ang kanyang mga suki dahil sa tiwalang binibigay niya sa kanyang mga mamimili kung saan nag-iiwan lamang siya ng isang timba at hahayaang magbayad ang bibili at sila na rin ang kukuha ng sukli

- Maging ang mga netizens ay bumilib sa gawain na ito ng magtataho na sana raw ay magsilbing inspirasyon sa bawat isa sa atin

- Proud ang suki niyang binahagi ang natatanging kwento ng magtataho at wala rin daw siyang ibang hangad kundi pagpalain pa ang tinderong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post tungkol sa isang tindero na namigay ng kanyang panindang taho noong Disyembre 17 bilang kanyang pamasko sa kanyang mga suki.

Binahagi ng isa sa kanyang suki na si Wendy Line na super proud sa gawain ng magtatahong makikita raw palagi sa Sampaguita Bridge patungong Market Market sa Taguig.

Noon pa man ay hinahangaan na niya ang paraan ng pagtitinda ng magtatahong ito na may isang timba ng pera kung saan magbabayad ang bibili sa kanya at hahayaan niyang doon din kumuha ng sukli.

Kahit marami pa rin ang hindi tapat, nagtitiwala pa rin daw ang magtataho na ito na kaya ng kanyang mamimili na maging "honest" pagdating sa pagbabayad at pagkuha ng sukli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang araw bago magpasko, laking gulat ni Wendy nang di tanggapin ng magtatahong ito ang bayad at pinakita ang karatulang "free taho day" pala noong araw na iyon.

Ito raw ang paraan ng tindero upang makapagpasalamat sa kanyang mga suki.

Tunay na nakakabilib daw ang ginawa na ito ng magtataho dahil isinakripisyo niya ang kita niya sa araw na iyon, mapasaya lamang ang maraming tao.

Umani rin ng papuri ang tinderong ito mula sa mga netizens. Sana raw ay magsilbing inspirasyon ang taong ito sa marami pagdating sa pagbibigay at pagtitiwala sa kapwa.

Narito ang kabuuan ng post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel